Thirteen

242 4 0
                                    

[ AN: Let's lighten up a little bit. If Jac really do exists, she would despise me for making her suffer every chapter. Kilig moments muna. Hehe. I was inspired with the song playing at the background. No Erase by James Reid and Nadine Lustre. No offense with the JaDine loveteam and their fans but I really find this song corny and a little bit funny AT FIRST (let's emphasize the word). But upon hearing this while typing this chapter, I was inspired and encouraged to give my characters a break. Hahaha. Sabay-sabay tayong kiligin although my characters aren't the usual cheesy-type couple we know. I hope kiligin pa rin kayo kahit papano. Haha. Kasi 'yung writer parang tangang nakangiti habang nagtatype. Promise! ^_^ I suggest you read this chapter while playing the song No Erase. ]

------

I was breathing heavily while I'm trying to compose myself. Hindi pwedeng lagi na lang akong babalik sa tuwing hinihila niya ako pabalik. No doubt, he's trying to win me back. Actions speak louder than words. I don't know why he's acting like this. I just don't get him.

Pinilig ko ang ulo ko. Napupuno nanaman ang utak ko ng kung anu-anong bagay. I need to get my butt out of here.

Pero bago pa ako magwala, bumitaw na rin agad siya. "S-sorry. J-just please..don't leave me..wife."

Nilingon ko siya. Once again, ladies and gentlemen...kinilabutan nanaman ako sa pagtawag niya ng wife sa akin. Gosh! Bakit ba niya ako tinatawag ng wife?! Ganoon ba ang epekto ng tequila sa kanya?

"Let me come with you. Janine's not around and I feel like getting sick." Sumandal siya sa dingding at tumingala sabay hilot sa sentido niya.

Napabuga ako ng hangin bago pinindot ang down button sa elevator entrance. Hinablot ko sa kanya ang jacket niya at sinuot.

"Tss. Susuotin rin pala." Umayos siya ng tayo at tumabi sa akin habang hinihintay na magbukas ang elevator.

"Malamig, Jerod. I wouldn't wear this if I'm not feeling cold." Inirapan ko siya bago pumasok sa elevator.

"Whatever you say, wife. I'm hungry." Humawak pa siya sa tiyan niya.

"Where do you want to eat then?" Lumingon ako ng walang gana sa kanya.

"7-eleven. I miss eating ramen, wife." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Gago. When did you learn to eat ramen? Koreano? Ganern? Tss!" Sabay kaming naglakad palabas ng Grande Towers.

Padarag akong pumasok ng sasakyan at umupo sa driver's seat. Nakita ko siyang nakatunganga sa harap ng front seat.

"Hoy. Ano dyan ka na lang? 'Di ka papasok? Ge. Kita na lang tayo sa 7-eleven."

"Grabe! Akala ko kasi pagbubuksan mo'ko ng pinto." Pumasok siya sa kotse ko at umupo sa driver's seat.

"Ulol. Ano ka, babae?" Pinaandar ko na ang kotse ko.

Tawa siya ng tawa habang tinitignan ang inis kong itsura. Walanghiya! Kasiyahan ata niya ang makita akong ganito.

"We're here. Just buy what you want. I'll wait here." Pinark ko ang kotse ko malapit sa convenient store.

"What? Hindi tayo dito kakain?"

"Sa condo ka na kakain. At..ikaw lang. Sa condo ko kita dadalhin."

"Huh?! Eh, ikaw saan ka?"

"Sa condo ni Jill. Asa ka namang isasama kita doon."

"Huh?! Edi pareho lang pala? Sana hindi mo na lang ako sinundo!" Nagmaktol siyang parang bata sa loob ng kotse ko.

"Ang dami mo pang sinabi. Shoo away! Bumili ka na doon!" Binuksan ko pa ang pinto para sa kanya.

Padabog siyang lumabas ng kotse at nagmartsa papunta sa convenient store. Ilang saglit lang din ay nasa tabi ko na siya.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon