* JEROD'S POV *
Kainis naman! Nasaan na kaya si Janine? She's not answering my calls. May klase pa kami. Tsk!
Naglalakad ako ngayon sa pathway papunta sa parking lot ng school namin. Bwisit naman talaga, oh! Mali naman kasi talaga ang ginawa niya. Hindi tama 'yun, eh. Nagsorry na nga si Jac pero gusto pa niyang sa harap ng buong klase? She's ridiculous!
May tumatawag sa akin. Medyo na-disappoint ako kasi akala ko si Janine pero si Vince pala. Sinagot ko na yung call.
"Hello, pare? Bakit?" Tanong ko kay Vince.
"Nagtext sa'kin si Janine, puntahan mo raw siya sa rooftop. Tangna ang drama ng shota mo!" Bwisit talaga to.
Ayaw talaga nila kay Janine, si Jac kasi ang gusto nila para sa akin. Tss.
"Gago! Sige na. Papunta na ako doon." I ended the call.
Dali-dali akong pumunta sa rooftop. Grabe naman si Janine magselos. Tss.
Narating ko ang rooftop. Nakita ko siya roon na umiiyak. Umiiyak ba talaga to oh nagiiyak iyakan lang? Ewan ko nga ba kung bakit nagustuhan ko ito. Nilapitan ko na siya.
"Hey." Tawag ko sa kanya.
"Oh? Ngayon ikaw ang lalapit-lapit sakin?!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
What?! Really, Janine? Siya ba talaga ito? Parang hindi naman siya ganito dati? Lumapit na lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Walang katapusang suyuan nanaman.
"Hey. Sorry na, babe. Mali naman kasi talaga yung ginawa mo, eh. Ayaw ko lang rin na may masabi sila Vince sa iyo kasi 'diba alam mo naman na kampi sila lagi kay Jac?" Tumingin siya sa akin ng masama.
Shit?! Sinampal pa ako?! Napatayo na ako. Nung sinampal niya ako parang pumitik na ako. Siya naman kasi ang mali at hindi ako.
"Janine! I won't tolerate this act of yours. Ikaw na nga ang mali, ikaw pa ang may ganang manampal at magalit dyan?!" I was pointing at her.
"What did you say?! Really? Kinakampihan mo talga ang hinayupak mong asawa?! In the first place, siya ang nanakit sa akin Jerod! She deserve that Jerod!" She's somehow crying.
Tinulak niya ako at umalis ng rooftop. Naiwan ako doon na hindi alam ang mararamdaman. Nakakapagtaka talaga kasi hindi naman siya ganyan dati. Siguro dahil na rin ito kay Jac nasagad na siguro niya si Janine kaya natuto na rin itong lumaban.
Napagdesisyunan ko na hindi na ako papasok. Tutal dalawa lang naman ang klase ko ngayon. Bumaba na ako at naglakad papunta sa parking. Siguro pupunta na lang ako ng bar. Tinext ko si Vince.
To: Vince
Pare, I won't attend classes today. Punta ko sa bar. Sunod na lang kayo if you want. Don't tell Jac about it.
Tapos nagdrive na nga ako papunta sa bar na madalas namin puntahan ng tropa.
* JAC'S POV *
Kainis naman! Kanina ko pa tinatawagan si Jerod and he's not picking up. Tinext kasi ako ni Yanna kasi classmates sila nila Jerod at sinabi niyang wala raw sa klase si Jerod. Wala rin si Janine kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa medyo marumi kong utak.
"Hoy, bakla! Kanina ka pa dyan, ah? Baka naman masira mo na ang cellphone mo sa kakapindot mo dyan! Kung makapindot ka akala mo si Janine ang cellphone mo." Sita sa akin ni Al.
Oo nga. Tingin ko rito sa cellphone ko si Janine, eh. I was literally raping the call button.
"Baks naman kasi, Jerod's not answering my calls." Yumuko na lang ako sa desk ko.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomanceANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...