Twenty

168 0 0
                                    

"Bakleeerz!" Salubong sa akin ni Dave pagkababa pa lang niya ng Everest ni Ruzz.

"Ang OA!" Sigaw ko ng padamba niya akong yakapin.

Naalis tuloy sa pagkakahawak ang kamay ni Hub sa bewang ko. Lumapit ako sa tenga ni Dave at binulungan siya habang nakayakap siya sa akin.

"Baks, lumayo ka na ngayon din. Panira ka ng moment, e! Naka-hawak na sa bewang ko, e!" Natatawang lumayo siya sa akin.

"Ay, sorry! Sige, balik mo na sa bewang ni Jac 'yong kamay mo, Jerod." Nagtawanan sila sa sinabi ni Dave.

"Taraaaay! Happy couple?" Tanong ni Yan sa amin.

"Ang dami niyong alam. Tara na sa loob." Pagsusungit ni Jerod.

Nandito kami ngayon sa Royal Palace. Isang hotel and beach resort na malapit sa Sand Box. You read it right! Pinayagan kami..ni MOMMY. Nagmakaawa ako sa kanya kanina at bumigay naman siya. Sinabi niyang siya na ang bahala kay Dad.

"Buti pinayagan ka ni Tita?" Tanong ni Al sa akin habang naglalakad kami sa lobby ng hotel.

"Ako pa ba? Malakas naman ako doon, kay Daddy lang hindi." Natawa kaming pareho sa sinabi ko.

"Eh ano'ng eksena ng holding hands niyo?" Inginuso niya ang magkahawak na kamay namin ni Jerod.

Nilingon ko si Jerod dahil baka narinig niya ang sinabi ni Al. Nakita ko namang busy siya sa pakikipag-usap kay Ruzz tungkol sa isang bagay na hindi ko masyadong marinig.

"Huwag na nga kayong pamburaot, baks. Maging happy na lang kayo para sa akin. Finally, all my hardships are paying off!" Mariing bulong ko sa kanya.

"Yeah, right. Whatever." Nagtaka naman ako sa inasta ni Al.

Hindi naman siya ganoon dati. Dati kapag may improvement sa treatment sa akin ni Jerod, isa siya sa mga masaya para sa akin. Bakit ngayon hindi na? Anyare?

"Wife." Nagitla ako sa pagtawag sa akin ni Jerod.

"U-uh, yes?" I asked. Natataranta.

"Hihiwalay tayo ng room or the usual? Sama ako kila Ruzz, ikaw kila Al?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. No, more like kinilig! Waaaaah!

He never asked me that question before. Kapag nag-a-out of town kami, kahit na hindi niya kasama si Janine, hindi niya ako tinatanong kung gusto ko bang mag-share kami ng room. Ngayon lang talaga.

"A-ah, ano..ah..you chose. Anything's fine with me." Pero sa loob-loob ko, sana piliin niya ang unang suggestion niya.

"Parang sinabi mo na ring you like the first one." Natatawa silang dalawa ni Vince.

Inirapan ko siya at lumapit kila Al at Yan na busy sa pagpipicturan. Sumipol naman si Jerod at iwinagayway ko ang middle finger ko sa kanya. Bwisit! Inaasar ako ng animal. Kainis!

"Jac, lika dali! Picturan mo kami." Wow! As in W-O-W!

"So, eto ang kapalit ng pagmamakaawa ko kay mommy na payagan akong sumama sa inyo? Ang maging photog niyo? Nice!" Nagtawanan sila sa sinabi ko habang papalapit ako.

Kinuha ko kay Yan ang camera at pinicturan sila. Kung anu-anong pose ang ginawa nila na minsan ay natatawa na ako.

"Ladies, everything's settled. Let's go to our rooms!" Sigaw ni Vince sa amin.

Ibinalik ko kay Yan ang camera. Nagsilapitan sila kila Vince. Paglingon ko, nakita ko ang kamay ni Jerod na nakalahad sa akin. Nakita rin ito nila Yan, kaya naman pinaulanan nila ako ng tukso.

"Tss. Para kayong mga bata." Umiiling ako na lumapit at inabot ang kamay ni Jerod.

Deep inside, nanginginig ang kalamanan ko sa sobrang kilig.Umakyat kami sa ikaapat na palapag ng hotel. Binuksan ko ang pinto ng suite namin ni Jerod at ipinasok niya naman doon sa loob ang mga maletang dala namin. Humiga agad siya sa kama pagkabukas niya ng aircon.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon