"Jaaaac! Let's go. Matagal ka pa ba?" Katok ng katok si Jerod sa pinto ng bathroom namin.
Binuksan ko ang pinto habang kumukuha ng tissue para sa dumudugo kong ilong. I was nosebleeding. Nagulat siya nang makita ang itsura ko.
"You're nosebleeding? Why?" Tanong niya sabay kuha pa ng tissue.
"I don't know. Bigla na lang, e." I looked at the mirror.
"Are you sure you're okay? Gusto mo ako na lang ang pumunta sa welcome home party ni Raffy?" I glared at him.
"Asa ka naman. Sasama ako 'no!" He looks so worried.
"Gusto mo daan muna tayo sa hospital? It's weird. Napagod ka ba sa pagbi-bake kagabi?" Tumango ako ng marahan.
Madaling araw na kasi akong natapos sa pagbi-bake ng two tier cake ni baby Raffy. Nagbake din ako ng cupcakes kaya natagalan din. Ako kasi ang nag-prisintang magbake since I know how to. Nag-plan kasi kami ng surprise party for baby Raffy and Al since it's Raffy's first time home since she was born. She had to stay in the hospital for months 'cause there were problems with her breathing, but we're all glad that she's finally okay. And she's finally coming home!
"I'm okay, Hub. Tignan mo, it stopped." Hinugasan ko ang parte ng ilong ko na may dugo. "See? Wala na. It's normal, baby. Stop worrying." Ngumiti ako sa kanya at hinatak na siya palabas ng bathroom.
"You sure ha? We still have hours pa naman 'til they come home. Ite-text ko na lang sila Dave na hindi na tayo makakatulong sa pagpe-prepare-" Kinurot ko ang pisngi niya.
"I'm really okay, Jerod. Let's go na. Excited na ako for the party." He sighed and draped his arm on my shoulder habang pababa kami ng hagdan.
"Okay, fine. Ayusin na natin 'yung cake so we can go there na. You want to grab some food before tayo pumunta doon?" Tumango ako habang naglalakad papunta sa kitchen.
"I think we really should. Lars texted me a while ago. Nagpapabili sila ng food since ayaw nilang galawin yung handa for the party later. We should grab food for all, Hub." Kinuha ko ang box kung saan ilalagay ang cake ni baby Raffy.
"You sure know how to impress, baby. Gusto ko ikaw rin ang gagawa ng cakes ng babies natin every birthday nila." He was looking at my masterpiece in awe. Tumulong siya sa paglalagay nito sa malaking box.
"Babies? Ilan ba ang nasa isip mo?" I was laughing while assembling the cupcakes in a box.
"Five? Hindi mo lang alam kung ilang babies na ang nagagawa ko sa utak ko." Ngising-ngisi siya habang binubuhat ang cake palabas.
"Grabe. Wala pa ngang 'I do', babies na agad." Isinilid ko na sa paperbag ang mga box ng cupcakes habang si Jerod naman ay nagtungo na sa sasakyan.
Nagmamadali akong lumabas ng bahay bitbit ang mga paperbags. Ini-lock ko ang front door at isinilid sa bag ko ang susi ng bahay.
Lars calling...
"Yes, Lars?" Sagot ko habang inilalagay sa backseat ang mga paperbags.
"Don't forget to get some food, okay? Yanna texted me na nandoon na sila. Kayo ba, saan na kayo?" I looked at my watch and it says 11:20.
"Actually, we're on our way na. What do you want to eat ba?" Sumakay na ako sa frontseat ng kotse.
Jerod was eyeing me as if asking me who I am talking to. I mouthed 'Lars' at ngumisi siya habang ini-start ang sasakyan.
"Hey, Lars!" Bungad ni Jerod habang palabas kami ng village. Ini-loudspeak ko na ang call since nag-iingay na sila sa kabilang linya. Akala mo artista si Jerod at sabay-sabay pa sila sa kabilang linya sa pagbati.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomansaANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...
