"I'm glad you decided to stay." Mr. Don said while cutting his steak.
"Yeah, you should be glad I'm putting up with all of these." I heard Jerod sigh beside me.
"You should be ready for tomorrow. Huwag ka nang magpasaway pa. Wala akong panahon para ipahanap ka sa buong Maynila." Mom held my hand.
Hindi na ako sumagot. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Anak, after this go to your room. Nandoon na ang gown mo for the party. Al made it well." Bigla nanaman akong nainis.
"Yeah, right. I can make my own gown. Why let her? That was being insensitive, mom."
"Ako ang pumayag na sila ang gumawa ng gown mo. Any problem with that?" He looked at me.
"Yes. But I guess you wouldn't know what the problem is. You didn't even care back then." Jerod held my hand to stop me from talking.
This is what I hate with pretending not to know anything. I have to hold back every time he's provoking me. Damn! Gusto kong itaob ang lamesa sa sobrang inis ko.
"We're eating here. Don't start me with those." I pinched my nose.
"I'm done eating." I stood up and walked straight to the stairs.
Kumuha ako ng Heineken sa fridge at sumalampak sa kama ko. I stared at the gown. I admit, she made it really well. It was a gown to die for. I stood up and walked towards it. It has intricate details. I can even wear it for the wedding day, but I'm sure they won't let me wear the same gown twice.
"Why did you have to do that, Jac?" Jerod's voice was firm yet low.
"We were always like that. If I go easy on him, he'll think I'm acting unusual. He'll think I know about his condition. Kayo ang lagot ni mommy kapag nalaman niya 'yon. Besides, I got pissed." He held on his temples.
"Kapag umakto ka naman ng ganon, you'll kill him." My breathing stopped.
Nabigla din ata siya sa sinabi niya dahil nagiba ang ekspresyon ng mukha niya. My eyes were teary when he walked towards me and hug me.
"I'm sorry. I didn't mean to say that." I laughed.
Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil ganoon pala talaga ang tingin niya sa akin. Nababaliw nanaman ako.
"It's okay." Hinawi ko ang kamay niya at lumabas sa kwarto bitbit ang bote ng beer.
"Jac, wait.."
"Yes, I hate him, but I'll never kill him." Tinalikuran ko siya pagkatapos noon.
Naglakad ako ng mabilis pupunta sa kwarto ni Jill. Dumapa ako sa kama at umiyak. Naaalala ko nanaman si Thereeze. Naalala ko nanaman kung paanong dahil sa kabaliwan ko kay Jerod ay napatay ko siya. Sobrang tanga ko. Noong una ay sila Janine ang sinisisi ko, pero kalaunan ay sa sarili ko ibinaling ang sisi. Totoo naman kasi. Ako ang pumatay sa kanya.
Nakatulog ako habang umiiyak. Hindi ko alam kung anong oras na, pero madilim na sa labas.
"Anak, buti naman gising ka na." Umayos ako ng upo.
"Why, mom?" I checked on my phone and its almost 7 pm.
"Ready na ang mga gamit niyo, naisakay na sa Ranger. Ikaw na lang ang hinihintay." I sighed.
"Okay. I'll just get my bag." Pinigilan ako ni mommy.
"No, okay na anak. Nasa sasakyan na rin." Isa nanaman buntong hininga ang pinakawalan ko.
Kaya kami sabay-sabay naglunch kanina ay dahil lilipat na kami ulit ni Jerod sa dati naming bahay. Though I've heard he stayed there after I left for Cali. So ang mga gamit ko lang ang dadalhin sa bahay. I'm against this at first and until now, but I don't have any choice.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomanceANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...