[ This one's dedicated to hearthely. For being so supportive and appreciative of every chapter of this story. Thanks to you from the bottom of my heart dear.]
Tanaw ko na ang ancestral house namin. Excited na akong makita sila Nang Nilda at ang iba pa naming kasambahay.
"My gosh! Hurry up, Hub! Excited na akong makita sila Nang Nilda!" Tumingin siya sa akin at ngumisi.
"Si Nang Nilda lang ba? Baka naman may iba pa?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"What? Crazy! Ano nanamang pinagsasabi mo dyan?" Ano nanamang trip nito? Tss.
Hindi na niya ako sinagot dahil nasa tapat na kami ng bahay. Bumusina siya sa malaking gate namin na may nakaukit na isang malaking Z sa harapan. Automatic itong nagbukas.
Bumungad sa akin ang malawak na garage at garden at ang isang malaking bahay na may malaking double doors na may nakaukit ring Z sa harap.
Agad akong bumaba nang ma-ipark na ng maayos ni Jerod ang Monterosport niya sa harap ng bahay namin.
"Nang Nilda!" / "Nang Nilds!" Sabay naming sigaw ni Jerod.
Sinalubong naman kami ng yakap ni Nang Nilda. Hinalikan ko siya sa pisngi at pagkatapos ay hinalikan naman siya sa noo ni Jerod.
"Naku! Buti na lang at dumating na kayo. Tatawag na sana ako kay Don para itanong kung nasaan na kayo kaya nga lamang ay nagdalawang-isip ako. Baka pagalitan ka nanaman niya kapag nalaman niyang wala pa kayo rito sa Mansyon." (Gawin na lang nating tagalog ang nga sinasabi nila imbis na kapampangan dahil mahihirapan akong magtype kung ita-type ko ito sa kapampangan tapos ita-translate ko sa tagalog. Ang tamad ko. Lewls.)
"Good move, Nang Nilds!" Sabi ni Jerod.
"Hoy! Ano bang Nang Nilds ang pinagsasabi mong bata ka? Ikaw talaga!" Hinampas niya ang braso ni Jerod.
"That's the good move, Nang Nilda!" Nag-apir pa kami ni Nang Nilda pagkasabi ko noon.
"Haaay nako! Wala talaga akong kakampi rito. Nasaan hu ba si Mang Bob?" Luminga ako sa paligid para mahanap si Mang Bob, ang hardinero namin.
"Nako! Nasa bukid si Bob. Nag-aani sila ngayon ng palay." Oo nga pala! Ngayon rin ang anihan.
"Oh! So nandoon rin ho si Carlo?" Tumingin sa akin si Jerod and he started wiggling his eyebrows.
"What?!" Inis na tanong ko sa kanya.
"Ayan nanaman kayong dalawa! Jerod tigilan mo na ang pang-aasar kay Jac at Carlo. Mag-asawa na nga kayo't lahat, eh nagseselos ka pa rin kay Carlo." Humagalpak ako sa tawa sa sinabi ni Nang Nilda.
"What?! Nang Nilds naman! I'm not jealous, okay?! Crap." Kumamot siya sa ulo at naglakad papasok sa mansyon.
"Jusko! Hindi raw nagseselos." Umiling si Nang Nilda at kumamot sa ulo. "Siya sige. Pumasok ka na sa loob at dumiretso na kayo ni Jerod sa hapag para makakain."
"Teka, Nang. Ipapakuha ko po kay Jerod ang mga gamit namin." Nasa sasakyan pa kasi ang mga maleta namin at ang mga pinamili namin.
"Nako. Tatawagin ko na lamang si Gary at Paeng para i-akyat sa kwarto niyo ang mga gamit ninyo." Tumango ako at pumasok na sa loob.
"Magandang hapon po, Miss Jac." Bati sa akin ni Mela, isa sa mga kasambahay namin dito sa mansyon.
"Mela!" Niyakap ko siya. "Kumusta ka na? You look great! Palagi mo bang ginagamit 'yung mga binigay ko sa'yo last summer?" Tumango siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Mukhang nahihiya.
"Salamat nga po pala sa mga binigay ninyo, Miss Jac. Nakakahiya po talaga sa inyo." Yumuko siya pagkasabi noon.
"Nako! Huwag ka nang mahiya. Nasaan nga pala si Gladys at Jessa?" Tatlo kasi silang kasambahay namin dito.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomantikANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...