Twenty Three

173 2 0
                                    

"Talaga?"

Yumuko siya. Tahimik lang at walang sinasabi. Nakatingin lang ako sa kamay ko habang nag-iisip ng susunod na sasabihin.

"Jerod..."

"Sleep. And drop by the clinic tomorrow morning." Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi niya iyon.

He stood up and picked up the med kit. I sighed. I guess that's better. I was expecting a fight but who am I kidding? I know he's a bit affected, but not as affected as I am.

"Malalim ang sugat mo, Mrs. Zaragoza." Hindi na ako kumibo sa nurse.

Tama naman ang sinabi niya. Mrs. Zaragoza pa rin naman ako. Bigla ko tuloy naisip na kailangan ko nang asikasuhin ang divorce namin. I wonder if Ruzz can help me.

"Lagi mong lilinisin ang sugat mo. This can lead to infection." Pangaral sa akin ng nurse.

"Thanks." Ngumiwi ako nang kumirot ang sugat ko.

Inabutan niya ako ng tissue. Kanina pa kasi ako umiiyak dahil takot talaga ako sa alcohol. At napakalalim ng sugat ko. Of course it would hurt like hell.

"Baks. Bakit ka umiiyak dyan?" Tanong agad ni Al sa akin pagpasok ko ng room namin.

"Pinalinis ko 'yung sugat ko sa clinic, I mean sa nurse." Binatukan ako ni Dave.

"Aray naman. Masakit na nga 'yung-" Nagulat ako ng makita ko si Jerod. "-sugat ko, e."

Nandito pala silang lahat. Which is I'm used to, dahil lagi naman silang tambay dito sa room namin tuwing umaga. Pero ang nakakagulat ay ang pagsama ni Jerod.

"Buti pinalinis mo? We were planning on taking you to the clinic just a while ago. Alam ko kasing takot ka sa mga alcohol and medicines." Sabi naman ni Yan.

"Uh, yeah. My wound's not a joke. I didn't know it's this big and serious." I sat and sighed. "Ang sakit. Ang sakit-sakit."

"Wow. Hashtag, hugot." Nagtawanan kami sa sinabi ni Vince.

Natigilan kami ng biglang lumabas si Jerod. Sinundan siya ni Ruzz at nagkibit-balikat lang si Vince sa amin. I don't really care. T'was more like he walked out on us for them because he got affected by Vince's joke, but I knew better. Janine might have texted him or something.

The day went on. Tulala lang ako at nag-iisip. Kung kailan ko aasikasuhin ang divorce namin. Nagtatanong ako kay Al ng mga pwedeng gawin, but she kept on asking me if I was sure about my decision. What the?

"Akala ko ba masaya ka dahil na-untog na ako sa wakas?" I glared at her.

"Yeah. I'm the happiest, but I don't want to see you in the near future regreting this decision. I suggest you think about it for like a month or longer?"

"Al, nasaktan na'ko ng sobra-sobra. Wala ng natitira sa'kin kundi ang virginity ko tapos gusto mo pag-isipan ko pa 'to ng isang buwan o mas matagal pa? Are you serious? Paano kung sa loob ng isang buwan na 'yon may mangyari nanamang 'di kanais-nais? Like, masaktan nanaman ako. Sa tingin mo makakapag-isip pa'ko ng matino nun?"

"Ok. Nandoon na tayo, baks. Pero si Jerod ang pinag-uusapan natin dito. What we're talking about here is the privilege of being a Zaragoza, being your one true love's wife! And think about your mom! How would she feel if mayroon siyang anak na diborsyada."

Hindi na ako naka-sagot pa sa kanya. Hanggang uwian ay iyon ang iniisip ko. Malaking kahihiyan 'yon para kay dad for sure. I'm starting to think about the possibilities if I push through with this divorce thing.

Jerod calling...

Nagulat ako nang makitang siya ang tumatawag. Ok, calm yourself. Act and talk normal, Jac. I took a deep breath before answering his call.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon