Ten

180 4 0
                                    

Pagdating ko sa bahay walang tao. Malamang naman! Nasa Pleasure Bay silang lahat at nag-eenjoy! Inilagay ko muna sa refrigerator ang binili kong ice cream at namili sa mga dvds na pinamili ko sa mall. Alin ba dito? Tsk! Ang dami ko kasing binili eh.

I ended up watching a foreign film. No strings attached. Matagal nang film 'to. Ilang minutes na akong nanunood at ngayon ko lang natanong sa sarili ko kung bakit ito pa ang napili kong panuorin. Parang nang-aasar pa 'yung movie eh! Nakakarelate ako sa lalake. At sa lalake talaga ako nakarelate ano? Siya kasi 'yung hulog na hulog doon sa girl, tapos 'yung girl naman dedmathology noong una. Friends with benefits kumbaga, pero at the end nagustuhan niya rin 'yung guy. In denial lang si ate girl. Ganoon din kaya si Jerod sa'kin? Sus! Asa pa'ko.

"Nandito ka lang pala." / "Ay asa pa!" Sabay naming sinabi iyon ni Jerod.

Nagulat ako sa pagsulpot niya sa gilid ko. Take note, tumalsik pa 'yung hawak kong kutsara para sa ice cream ko dahil sa gulat. Naglakbay siya hanggang sa harap ng tv. Kawawang kutsara. Ganoon na ba kalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko man lang narinig na pumasok siya ng bahay? Malala ka na talaga, Jac! Malalang-malala!

"Oh, nandito ka na? Aga umuwi ah." I said that without looking at him. Diretso lang sa tv, Jac. Good. Keep up the good work. Don't meet his eyes.

"Movie marathon?" Tumango na lang ako. Shet! 'Yung kutsara ko.

Dahan-dahan akong tumayo papunta sa harap ng tv para i-rescue ang nagtravel kong kutsara. Nakayuko lang ako. Way to go, Jac. Resist him. Huwag kang titingin sa kanya.

"Ako na." Bago pa ako makatanggi, nagkauntugan na kami. Sabay kasi kaming yumuko para kunin ang kutsara.

"Ouch!" / "Shit!" Sabay naming sigaw.

Napahawak ako sa ulo kong pumutok na ata sa sakit. Paano ako nito makakaisip ng paraan para sa problemang ako lang naman ang namomroblema? Tsk!

"Hey. Let me take a look at it." Hinawi niya ang kamay ko sa noo ko at hinipang agad ang nasaktan kong noo. Great! Just great, Jac! Ano? Papadala ka nanaman sa puso mo? Sa dugs dugs dugs?! Leshe!

"Ok lang ako." Hinawi ko ang kamay niya at agad na kinuha ang kutsara.

Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng ice pack. Kainis. Hinawakan lang ang noo mo, bumigay ka agad? Ang landi mo, Jac! Naknangteteng!

"Hey. Pinilit ko talaga si Janine na umuwi agad para makausap kita." Lumapit siya sa akin. Nasa likod ko na siya.

"Dapat ko ba'ng ikatuwa ang sinabi mo? Should I start jumping and screaming now? Ha-ha! Yehey! Thanks, Jerod! Thanks!" Umirap pa ako sa kanya bago maglakad pabalik ng living room. Pero deep inside me, naiiyak na ako.

"Jac, please understand. I'm trying to fix things with Janine. You know we've been on the rocks these past few months, right?" Napatayo ako sa sofa dahil sa sinabi niya.

Ang kapal ng mukha. I guess mali ang sinabi ni fairy godbrother. Hindi siya nagsisisi at hinding-hindi siya magsisisi. Pinigilan ko ang urge ko'ng ibato sa kanya ang ice pack pero hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Wow! Ako pa pala ang dapat umintindi sa lahat ng nangyayari?! Sige nga, lumabas ka sa kanto. Itanong mo sa guard kung dapat ba'ng asawa ang umintindi sa relasyon ng asawa niya at ng girlfriend nito! Sige nga! In the first place, tama ba'ng may girlfriend ka kahit na may asawa ka na?!" Hindi ko alam kung ano ang iniiyak ko. Dahil ba sa sakit o sa galit?

"Kinakausap kita ng maayos! Intindihin mo naman ako! Bakit ka umiiyak dyan?! Bakit ka nagrereklamo?!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Masakit.

"'Di ba ikaw naman ang nagpumilit na magpakasal sa akin?! Sinabi ko ng hindi kita mahal pero mapilit ka! 'Di ba?! 'Di ba?! Tapos ngayon iiyakan mo ako?! What the hell, Jac! Fuck!" Galit na galit siya. Sa sobrang galit niya nagtatalsikan na ang laway niya sa pagsasalita niya. Lalong humihigpit ang kapit niya sa mga braso ko.

"Huwag mo nang ipagsigawan sa mukha ko na hindi mo ako mahal! Oo na! Alam ko! Ako lang 'tong mapilit! Ako lang ang nagmamahal! Ako lang! Martyr ako, eh! Masokista!" Napaluhod ako habang umiiyak.

Lumuwag naman ang hawak niya sa mga braso ko kaya dire-diretso akong napaluhod sa sahig.

"Alam mo ba'ng pagod na ako? Pero tuwing naiisip ko na 'yung premyo sa dulo? Nawawala lahat ng pagod. Para akong nasa race dahil sa'yo. Nakakapagod. Nakakaubos ng lakas. Nakakaubos ng respeto sa sarili. Nakakaubos ng self-esteem. Nakakapanlumo. Nakakadurog ng puso, ng pagkatao. Pero kung ang premyo sa dulo ay ang pagmamahal mo? Fuck! I'll risk my life. Ganoon kita kamahal, Jerod. Sukdulan." Sunud-sunod na hikbi ang pinakawalan ko. I'm out of energy.

"S-sorry, Jac. I-i can't love you the way you want me to. Kapatid. Younger sister. Ganoon lang talaga. Kahit anong piga ko. Ako rin naman. Pagod na pagod na ko para sa'yo. Nasasaktan din naman ako kasi alam kong nasasaktan kita. Sorry. Sorry kung nagpakita ako ng motibo para lalo kang umasa. Sorry. I can't go on the race with you. I can't run with you. I can't stay by your side. I just can't, Petite." Lumuhod siya at tinulungan akong tumayo.

Tulala ako. Sinampal niya na lahat sa mukha ko. Nasampal na ako ng katotohanan. Ganito pala talaga. Masakit. Para akong tumakbo ng 50 laps sa quadrangle sa university. Nakakahingal. Nakakapagod. Nakakagago. Parang gusto kong magwala pero masyadong masakit ang buong pagkatao ko para kumilos.

Dahan-dahan kong hinawi ang kamay niyang umaalalay sa akin. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at wallet ko. Kumapit ako sa couch nang muntik na akong mawalan ng balanse.

"Jac! Where are you going?!" Hindi pa ako nakakalayo sa kanya pero mahina na ang boses niya. Nangingibabaw ang tunog ng puso ko. Naghihingalo.

"Outside." Wala sa sariling sagot ko sa kanya.

I'm screwed. I'm crazy. My life's a mess. I'm a total wreck. 'Yun lang ang nasa isip ko habang nagmamaneho ako at hindi alam kung saan pupunta. Nawala na ako sa race. Naligaw na ako. Hindi ko na alam ang susunod na hakbang. Wala na. Kulelat na ako. Mahirap pala talagang manalo kapag mag-isa ka lang. Mahirap.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon