Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin si Jerod sa akin. Makulit pa rin siya at sweet sa akin. Nilalandi pa rin niya ako. Pero ako..hindi na. Nagi-guilty ako. Gusto kong sabihin na sa kanya na tama ang hinala niya kay Janine para matapos na ang paghihirap niya sa pagsunud-sunod kila Janine, pero hindi ko magawa. Alam kong hindi lang ang relasyon nila ang nakataya rito kundi pati ang relasyon namin. Dahil alam ko...kapag nagipit si Ray ay ilalaglag niya ako.
Kung dati ay pinapatulan ko lahat ng sinasabi niya at ang pangiinis niya, ngayon hindi. Para ngang hangga't maaari ayaw ko muna siyang makita dahil kinakain ako ng guilt ko tuwing nakikita ko ang mukha niyang nakangiti sa akin.
"Hey. What's the prob?" Tulad ngayon.
Nag-aayos na ako para sa pag-alis namin papunta sa Pampanga. Okay na lahat ng gamit namin. Ako na lang ang hinihintay. Kanina pa siya dada ng dada pero hindi ko pinapansin ang mga sinasabi niya.
"Wala. Bakit ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay ng bb cream sa mukha ko.
"Kanina pa ako nagsasalita rito yet you're not listening." Inis na tumayo siya. "I'll just wait for you. We'll use my wheels." Tuluyan na siyang lumabas ng unit ni Jill.
Napabuntong-hininga ako sa pag-alis niya. Nahihirapan na ako. Gusto ko siyang laging kausap at kasama pero mas nahihirapan akong magpanggap na okay lang ako kahit na sobrang guilty na ako.
Pagbaba ko sa car park ay naabutan ko siyang nakasandal sa itim na Monterosport. Napatingin siya sa akin at binuksan ang pintuan sa front seat at diretsong umikot sa kabila para makapasok na sa driver's seat.
"Walang pinadalang driver si Dad?" Tanong ko sa kanya.
"Obviously." Tipid niyang sagot sa akin.
Pinaandar na niya ang sasakyan. This one's new. The smell is new.
"Kailan mo binili 'to?" I tried to start a conversation.
"Wow. This is new. Jac? Trying to start a conversation with me? Mas bago pa 'to sa sasakyan ko." Inirapan ko siya sa sinabi niya.
"You're being sarcastic, asshole." Natawa siya sa sinabi ko.
"Okay. This is new. I bought this last week. Since hindi ka naman lumalabas sa hide-out mo, hindi mo nakikita." Tumango ako sa sinabi niya. "Wait...are you hiding from your friends?"
Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Eto ang isa sa mga topic na iniiwasan ko.
"What?! Ofcourse not! Bakit ko sila iiwasan? They were my friends since day one. Ano ka ba?" Inirapan ko pa siya.
"Do you think I'd buy that? Ang dami mong sinabi. Masyado kang defensive. I know something's up." Tinaasan niya ako ng kilay.
Umusbong nanaman ang inis ko. Bakit ba lagi niyang nahuhulaan ang laman ng utak ko? Okay. I'm really starting to get nervous. Hindi kaya alam niya na ang mga pinaggagawa ko? No no! Hindi naman siguro. Hindi naman niya ako kakausapin ng ganito kung alam na niya. I know him more than anyone else does.
"Just shut up, okay? Walang problema. It's just that ayaw ko munang sumama sa bar hopping nila. Kasi 'yung bar hopping nila, literal na bar hopping. Every two hours ata lumilipat sila ng bar." Sinulyapan ko siya habang naglilitanya ako.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Parang naging seryoso bigla.
"Really?" Tipid niyang tanong.
I saw him tightened his grip on the steering wheel. Kinakabahan siya. Kabisado ko na siya.
"Really, Jerod. Para nga silang may sinusundan na ewan." Humarap ako sa kanya at umaktong parang excited na magkwento. "Nagkukwento kasi sa akin si Yanna. Eh alam mo naman 'yon. Kahit saan game basta may alak siyang katabi." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Oh-kay? I think he really is nervous now.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomantizmANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...