Twenty Two

153 1 0
                                    

"Ang aga, a?" Bati sa akin ni Al pagpasok ko ng room namin.

"Baks! Saan ka nag-stay these past few days?" Salubong naman sa akin ni Dave.

"Bakit?" Inilapag ko ang gamit ko sa arm chair na katabi ni Al.

Ngayon ang start ng second semester namin. Nandito silang lahat sa room namin except for him. I wonder where he is. I want to discuss something with him. Umupo ako sa tabi ni Al at nag-inat. Grabe ang traffic from Jill's condo papunta dito sa university. I was glad I hired Janelle ages ago because if I didn't, I wouldn't be enrolled for the second semester.

"Your dad's angry as hell. He called all of us the night after our Sand Box trip, looking for you." Tumaas ang dalawang kilay ko.

"Talaga? Anung nakain noon? Bakit hinahanap niya ang paborito niyang anak?" Nagtawanan sila sa sinabi ko.

Naalala ko ang nangyari pagkatapos ng madugong eksena ko sa Sand Box. Nagising ako sa loob ng suite namin ni Jerod. Lahat sila ay nakabantay sa akin.

"Jac, you okay?" Tanong agad sa akin ni Al.

Pinilit kong bumangon sa kama at umayos ng upo. Pinalibutan nila ako nang makita nilang gising na ako.

"What do you want? How's your wound? Does it hurt?" Tanong naman ni Yan sa akin.

"I'm fine. I'm just famished." Naramdaman ko ulit ang pagkalam ng sikmura ko.

Natatarantang kumuha ng makakain si Al. Natawa naman ako sa kanya at hindi nakatakas sa pandinig nilang lahat ang munti kong tawa. Natigil ako sa pagtawa.

"What? Am I not allowed to laugh?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"No. I mean, it's just odd hearing you laugh after having a row with your husband hours ago." Ngumuso ako sa sinabi ni Yan.

"When I said I'm okay, I'm okay. Okay?" Tumango silang lahat sa akin ng sabay-sabay, pero halata sa kanila ang kawalan ng tiwala sa mga sinasabi ko. "Enough with the "okays". I'm really famished. I need food." Humawak pa ako sa tiyan ko.

Naguguluhang kumilos si Al. Nagtataka pa rin siguro sa ikinikilos ko. This is so not me, I know. Kaso sawa na ako sa drama. Ayaw ko na. Sawa na talaga ako. Pagod na talaga ako. Para akong computer na nahugot sa sasaksakan at biglang nag-shut down. Isang bombilyang over-used at biglang pumutok.

Buong araw na 'yon ay okay ako. Nakikipag-usap ako sa kanila. Not the usual Jac that would run away and hide from them. Tumambay pa kami sa sea shore sa hotel kinagabihan.

"You sure you'll be fine here...alone?" Tumango ako kay Al at Ruzz at isinarado na ang pinto.

He already left. Tears begun to sprang from my eyes. You did well, my subconscious told me. I faked all the smiles I shared with my friends for the past hours. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi suko na ako. Hindi ko alam na dadating pala ako sa puntong 'to. Na susuko ako sa kanya.

Hindi ka sumuko ng kusa, napilitan ka kasi alam mong wala talagang pag-asa, sabi ng sarili ko sa akin. Nababaliw na nga ata ako dahil naiimagine ko nang kinakausap ako ng sarili ko. Naiinis ako kasi tama siya. Hindi ako kusang-loob na sumuko. Nang talikuran niya ako at maglakad siya palayo, wala na akong choice kundi sumuko.

Buong gabi akong umiyak. Nang mapagod ay nag-impake na ako para sa pag-alis ko. Alam kong magpapa-iwan pa sila dito ng ilang araw kaya madaling araw pa lang ay nagpasya na akong umalis. Wala akong tulog at halos hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil sa sobrang pamamaga ng mga ito. Nag-iwan lang ako ng note sa kanila na mauuna na ako at baka sa pasukan na ulit nila ako makikita, which is one week from now.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon