Twelve

220 4 0
                                        

"Bloody Aztec." Sabi ko kay Vince nang nagtanong siya kung ano pa ang gusto kong inumin.

"Woah. Tequila huh?" Tinaasan niya ako ng kilay bago tumalikod para umorder sa bar.

"What? Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko kay Dave at Al na seryosong nakatingin sa akin.

"Saan ka ba nagsusuot ha? Namumuro ka na sa amin, Petite." Inirapan ko lang si Ruzz na ngumingisi sa gilid ko dahil sinesermunan ako ng nanay at tatay ko kuno!

"What? Sermon agad? Pwede bang pag-usapan na lang natin kung saan tayo magpupunta this sembreak?" Inirapan ko sila bago inumin ang mojito ni Yan.

"Oh, great! Kumpleto na tayo! Jerod's here. We can talk about the outing!" Nagbunyi pa si Yan na wala man lang pasintabi sa akin.

Parang hindi ko siya kausap kanina tungkol sa kagustuhan kong pagkalas. Kaloka. Umupo si Jerod sa tabi ni Ruzz. Ang pwestong inabandona ni Vince. Tinignan niya ako pero agad din naman siyang nag-iwas ng tingin.

Nakita ko si Dave at Al na masuri kaming tinitignang dalawa ni Jerod. Si Ruzz at Yan naman, wala lang. Siguro pareho nilang alam ang nangyari sa amin. Nagkwento ako kay Yan at si Jerod naman kay Ruzz.

"So anong topic niyo?" Naghanap siya ng maiinom sa table pero puro nakataob na lahat.

"Vince, Gin and Tonic!" Nagpahabol siya ng order kay Vince.

"Wala pa, pero ngayong nandito ka na. Mayroon na. What's with the two of you?" Itinuro kaming dalawa ni Dave.

"Dave? Don't ruin the moment, okay? Let's not talk about non-sense matters. Outing, Dave. Make a conversation out of it." Napailing si Yan sa pagtataray ko at ngumisi lang si Ruzz. Nakanganga si Dave at Al habang nakayuko naman si Jerod.

"Drinks for everyone!" Dumating si Vince kasama ang isang waiter. "So, how's the conversation going? I can feel the tension up to the bar." Humalkahak siya sa sarili niyang joke.

"Just sit, Vince and don't you fucking open your mouth. Ever again, until I say so." Itinaas naman ni Vince ang dalawang kamay tanda ng pagsuko sa sinabi ni Jerod.

"Okay! Everyone's here! Saan tayo this sembreak, guys?" Ngiting-ngiti si Yan. Trying to cheer up everyone.

"Cam Sur!"

"Bora's the best!"

"Camiguin!"

"Cebu!"

"Okay? Kaya ba nating puntahan lahat ng 'yan in just...more or less two weeks?" Nakakunot ang noo ni Al habang nakatingin sa aming lahat.

"Kahit saan. Basta three days lang tayo. Punta ata kami ng Pampanga ni Jac before sembreak ends." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Jerod. Ayaw ko man, pero kailangan kong magreact.

"What? What's with you?!" Napatingin ako sa kanya at nagkibit-balikat lang siya.

"Tito Don's orders, Jac. Your father's orders. I think they'll tell you about it tomorrow." Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Tomorrow? Ano namang mayroon bukas? Kaloka!

"Lunch date? Remember?" Wala pa kaming agreed date about the lunch date 'di ba? Basta this week daw. Lasing na ba ako nung kausap ko si mom? Tss.

"Okay. Thanks for the early reminder. Don't worry, I know you don't agree with that. I'll convince them and tell them that we're both busy." Ininom ko ang bloody aztec na inorder ko.

Nagkibit-balikat lang siya at uminom na rin ng alak. Panay ang kwentuhan ng lahat kung saan daw ba magandang mag-outing. Nagpost pa si Al sa FB account niya para lang makakita pa ng ibang suggestions. In the end, sa Mt. Pinatubo nila naisipang pumunta. Anu namang gagawin namin doon? Hihintaying pumutok ang bulkan? Nagreklamo ako noong una, pero pumayag rin in the end. Wala naman akong magagawa gayung pinapaulanan na ako ng death threats ni Dave.

My Antagonist Wife *completed*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon