Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng playground sa loob ng village namin. Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Tumakbo ako papunta sa paboritong swing ko. Walang pinagbago. Nagbago lang ang kulay ng mga swing at slide pero ganoon pa rin ang ambiance. The feeling was nostalgic. Ang daming nag-flashback sa isip ko.
'Petite! Si Jill? Yayain mo naman siya dito sa playground. Nagsasawa na'ko sa mukha mo. Lagi na lang ikaw ang kasama ko.'
'Petite! Mag-ayos ka nga! Hindi ka tumulad kay Jill. Kaya walang nagkakagusto sa'yo eh'
'Jac! Bakit mo kinain?! Para kay Jill 'yang cake eh!'
'Jac. Tulungan mo naman ako kay Jill. I-surprise natin siya.'
Yeah. I was the bridge. I was the bestfriend. I was the errand girl. I was the 'ok-fine' girl. 'Yun lang ako para sa kanya, simula pa lang. Don't get me wrong. Wala akong hard feelings towards Jill. Hindi naman niya kasalanang siya ang nagustuhan ni Jerod atsaka never niyang pinaramdam sa akin na 'Boo ya! He doesn't like you!' Lagi niya akong kino-comfort whenever nasosobrahan na sa kakapalan ng mukha at kamartiran si Jerod.
Nakaupo lang ako sa swing. Tulala. Walang laman ang isip ko kundi si Jerod at ang mga salitang binitawan niya kanina. Ang iba doon, narinig ko na. Ang iba naman, first time niyang sinabi sa akin. Patunay lang na talagang nilabas niya na lahat kanina. Galing sa puso lahat, kaya mas masakit.
Nang marinig ko lahat 'yun, nadurog ang puso kong durog na durog na. Pati pagkatao ko durog. Hindi ko alam kung paano ko bubuuin ulit ang sarili ko. Hindi na kaya ng mighty bond.
Hinubad ko ang wedding ring namin. Suot ko silang pareho. Ang sa akin at sa kanya. Tinitigan kong mabuti. Kahit kailan, hindi ko pa nakitang sinuot ito ni Jerod at naka-tengga lang ito doon sa drawer malapit sa kama kaya kinuha ko na lang. Hindi naman niya napansing wala na doon sa drawer kasi hindi naman talaga niya pinapansin ang singsing. Isinuot ko sa kwintas kong walang pendant ang dalawang singsing. I think this would be the first step. Hindi ko sila kayang itapon. Hanggang dito lang ang kaya kong gawin, ang hubarin sila sa daliri ko.
"Jill...I don't think I can keep my promise." Promises are meant to be broken, ika nga nila.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swing at naglakad pabalik sa sasakyan ko. Siguro sa unit muna ako ni Jill tutuloy. Tutal sembreak naman at wala namang masyadong gagawin sa boutique. Kaya na ni Jan 'yon.
Dumaan ako sa 7 eleven at bumili ng canned beers, ice cream, ramen, chips at kung anu-ano pang pwedeng makain.
Pagdating ko sa unit ni Jill, naluha nanaman ako. Ano ba?! Bakit umiiyak nanaman ako?! Tsk! Binuksan ko na lang ang ref ni Jill at hinintay itong lumamig sa loob bago ipasok ang ice cream at canned beers. Nag-init naman ako ng tubig sa electric pot para sa ramen. Nagbihis muna ako habang hinihintay ang pagkulo ng tubig. Good thing, may mga damit na ako dito kaya no worries when it comes to clothes.
Sumalampak ako sa couch at inilapag sa center table ng living room ang ramen at iilang canned beers. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang messages at missed calls galing sa mga kaibigan ko.
Pare-pareho ang laman ng texts nila. Puro nasaan ka. Answer the phone. Reply ka. Ni isa wala akong nireplyan. Si Jan lang ang tinext ko at sinabihang siya muna ang bahala sa boutique. Nang umalma siya at sinabing maraming gustong mag-purchase at bumili ng bagong collection namin, hindi na ako nagreply. Hindi na rin siya nangulit pa. I know she doesn't have the guts para kulitin ako.
Kumain lang ako ng ramen at nanuod ng tv. In the end, nang wala na talaga akong mapanuod dahil quarter to two na ng madaling araw, nakinig na lang ako ng radio sa tv habang umiinom ng beer.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomantizmANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...