Thirty Eight

161 4 2
                                    

Itinigil ko ang kotse sa tapat ng bahay. Lahat ng gamit ko ay nandito kaya wala akong choice kundi ang dumaan muna dito. Doon muna siguro ako sa condo ko or sa condo ni Jill. Hindi ko pa alam.

Nagmamadali akong umakyat ng kwarto. Kumuha ako ng isang maleta at pinuno ko iyon ng mga gamit ko. I don't know when I'll be back here so I need to get as many clothes as possible.

Kanina pa tawag ng tawag si Jerod o di kaya'y si mommy sa phone ko. Sa inis ko ay pinatay ko na lang ang phone ko at isinilid ito sa purse ko. May pera pa naman ako, so I don't think I'll starve for the next few days. I even have my card with me.

Kanina ko pa kinakalkal ang tokador ko, pero hindi ko makita ang red box ko. Importante iyon sa akin. Doon nakalagay lahat ng ultrasound pictures ni Thereeze pati na ang ibang importanteng bagay para sa akin. Naiiyak na ako. Imposibleng mawala 'yon at lalong hindi pwedeng mawala 'yon.

I lost hope of finding it here so I decided to look at the guest room. Baka nandoon itinambak ni Jerod ang iba ko pang gamit. Nagmamadali akong nagpunta sa kabilang kwarto. Napamura ako nang malamang naka-lock ito. Now, I have to go down and look for the key. I'm wearing a gown for Pete's sake!

Dahan-dahan akong bumaba sa kusina. Dati, doon namin nilalagay sa pantry ang mga susi sa lahat ng kwarto. I hope hindi binago ni Jerod. I don't need to hurry. Sigurado akong tinatapos pa nila ang closing ceremonies so I have enough time to pack my things.

Agad kong kinuha ang susi nang mamataan ko ito sa pantry. Kinakabahan na ako. I shouldn't have turned off my phone. Baka sa pagaalala ni mommy ay paalisin na niya si Jerod para hanapin ako.

Nang mabuksan ko ang guest room ay napatakip ako ng ilong. Pinaghalong pintura at kung anu-anong gamit sa pagpipinta ang naamoy ko. I realized that if I insisted on sleeping here last night, it would be bothersome for me. Buti na lang at hindi ko masyadong pinairal ang pride ko kagabi.

Binuksan ko ang ilaw. Puro pintura at kung anu-anong paint ang nasa sahig. Hindi naman magulo dito taliwas sa sinabi ni Jerod kagabi. It's just that the room was filled of me. Nalaglag ang panga ko nang makita ang hindi ko mabilang na painting at lahat ng nasa painting ay ako. Hindi ko mapigilang hindi mapatakip sa bibig ko.

Nabitawan ko ang susi ng guest room. Dahan-dahan akong pumasok sa guest room at naglakad sa bandang gitna. Sa gitna ay isang canvass na hindi pa tapos pintahan. It was a picture of me while surfing. I cannot be mistaken, this was in Batangas. I'm fucking sure. Iginala ko ang tingin ko sa kwarto.

There was this painting na nakatawa ako. Sa California ito at hindi ako pwedeng magkamali. Tinignan ko pa ang iba pa at napagtanto kong halos lahat nito ay sa California. Ang iba ay sa Batangas.

Nakakita ako ng lamesa sa gilid na puno ng pictures. Nilapitan ko ito at puro mukha ko rin ang nandoon. Now it's confirmed. He went to Cali. When and how long, I don't know. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dapat ba akong matuwa? Bakit? Bakit kailangan kong matuwa? Dapat galit ako, hindi ba? I should be mad with what happened earlier.

Mababaliw nanaman ata ako. I wish Cleo was here so he can take me on a race, or Lara and Pris so we can surf. Iyon lang naman ang nakakapagpawala ng lahat ng dinadamdam ko. Ano ngayon ang gagawin ko?

Kinuha ko ang purse ko sa may kama sa kabilang kwarto. Bahala na. I'll bar hop. Though I'm not used to doing that alone, I think I can manage. Lalo pa't may dinaramdam ako ngayon.

Sumakay ako sa itim na kotseng sinakyan ko papunta rito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguro sa DJ's Corner na lang. Wala akong masyadong kilala doon 'di tulad sa Trance or Getto. I just wish doon pa rin siya naka-locate at open pa rin ito. Maga-alas diyes na ng gabi. Right time to party and booze, but with this outfit?!

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon