* JAC'S POV *
Gahd! Hilong-hilo ako ngayon habang nagdadrive. Ang sakit ng ulo ko, ang dami kong iniisip! Letche naman oh!
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa aking bulsa.
From: Rayven Ikaza
Let's meet? I think a video will be more satisfying and believable instead of that voice record.
Hinampas ko ang manibela. Tae! Isa pa itong si Ray. Sinabi ko naman kasi sa kanya na huwag na niya akong tatawagan kahit kailan, ako lang dapat ang tumawag sa kanya pero pasaway talaga. Tumawag pa siya kanina, and what's worst is, si Hubby pa ang nakasagot! Buti na lang maagap ako at nakuha ko agad ang cellphone ko kay Hubby.
To: Rayven Ikaza
Whatever! Bahala ka. I don't have time for those shits right now.
After almost five minutes, may natanggap akong video. And I'm certainly sure na eto na ang videi na sinasabi ni Ray pero hindi ko pinanuod. Kahit bitch ako, never pa akong nanuod ng porno!
"Good morning, Miss Jac!" Bati sa akin ni Jan pagkapasok ko pa lang ng boutique.
"Jan, there's no good about the morning especially if you weren't able to sleep just to finish these fvlucking designs!" Iniabot ko sa kanya ang brown envelope na naglalaman ng designs.
"Miss Jac, nasa conference room po sila Mr. Dave and Ms. Al. Sa kanila niyo po ipe-present ang mga designs." Bumagsak ang mga balikat ko upon hearing the news. Kanila Dave at Al?! Eh sobrang aarte ng mga 'yon.
"Fie! Okay, sige. Ok lang ba ang itsura ko? Disregard my zombie-look, focus on the clothes I'm wearing." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Gorgeous as always, Miss Jac." I nodded as a response.
"Morning!" Bati sa akin ni Al pagpasok ko ng conference room.
"Woah! May zombie! Tago, baks!" Sigaw ni Dave and I just gave him a death glare.
"Dave! Don't fool around!" Sita naman ni Al sa kanya.
"Punyeta ka Dave, tigilan mo ako. 'Di ba ang usapan natin next week pa?? Bakit nagumaso kayo at pinapasa niyo sa akin 'to ngayon?!" Hinampas ko sa lamesa ang brown envelope.
"Sorry, baks.." Shee can't even look at me right now.
"Oh, eto na designs niyo." Napahawak ako sa sentido ko. Biglang kumirot ng bongga ang ulo ko.
"Wow! Perfect, Jacquiline!" Tumayo pa si Dave at nagclap ng hands niya.
"Fantastic, baks! I really loved the colors!" Si Al naman nakaupo habang nakangiti at nakatingin sa mga designs.
"Baks, magbubunga ang pagpupuyat mo. Don't worry!" Kumuha siya ng isa sa mga papers na pinasa ko at pulit-ulit itong tinitignan.
Parang bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Tapos na, finally! Designs ko lang naman ang kailangan nila, tapos sila na ang bahala sa lahat. Ang next participation ko is sa launch na.
Napaupo ako sa swivel chair ko. Parang biglang umikot ang paligid ko, biglang nagdilim and the next thing I knew..I'm lying on a hospital bed.
"Baks?! Hey! Gising ka na?!" Natatarantang lumapit si Dave at inalog ako.
"Punyeta, baks ah! Huwag mo nga akong alugin! Lalo akong nahihilo sa ginagawa mo! Hindi pa ako gising, ganito talaga ako matulog baks, dilat ang mata at nagbubunganga!" I sarcastically and said with actions pa.
"Letche! Nagalala na nga sa'yo eh." Tumalikod siya sa akin pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang sunod niyang sinabi. "Buti nga ako nagalala pa sa'yo ang asawa mo? NGANGA!" Pabulong 'yon pero rinig ko.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomansaANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...