My eyes were bloodshot. I scanned the suite. He's not here. An antsy feeling crept inside me. I was thinking if he left me for Janine or he was just around the place. Please..please..wag naman sana.
Tumayo ako mula sa kama. We had a row last night. Hindi ako nakatiis at bumangon ako kagabi habang kausap niya si Janine.
"Jac!" Sigaw niya ng agawin ko ang cellphone niya.
"What? Is this your girlfriend whom you're talking to?!" Tanong ko kahit na alam ko namang si Janine nga ito.
Tinignan ko ang cellphone at hindi pa binababa ni Janine ang tawag. Ngumisi ako at pinindot ang loudspeak.
"Hello? Long time no talk, bitch!" Sigaw ko habang sarcastic na tumatawa.
"Ikaw ang bitch, hindi ako." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ay oo nga pala. Ako bitch, ikaw naman whore. We're not on the same level. Mas mataas ang sa'yo." Tinignan ko si Jerod habang hinihintay ang sagot ni Janine.
"Ang kapal ng mukha mo! How dare you say that to me?!" Sigaw niya habang pekeng nag-iiyak-iyakan.
Believe me, I know she's just faking it. Been there done that. Grabe magpaawa. Lagi na lang nagpapaawa!
"How dare me? How dare you! Calling my husband in the middle of the night? For what? What do you want?! Okay na kami, e. Nanggugulo ka pa! Why don't you go with your fancy man?" Lahat ata ng lakas ko ay naibuhos ko sa mga sinabi ko.
Laglag ang panga ni Jerod pagkatapos ng litanya ko. Si Janine naman sa kabilang linya ay tumigil sa "pag-iyak" niya. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata ni Jerod. Ang pagtahimik ni Janine sa kabilang linya ay nangangahulugang may natumbok ako kahit papaano sa mga sinabi ko. Naiyak ako bigla. Mahal na mahal ko si Jerod at ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan, pero kabaligtaran ang ginawa ko. Ako ang nananakit sa kanya. Ako ang puno't dulo ng lahat ng sakit sa mga mata niya.
Naputol ang linya. Binitawan ko ang cellphone ni Jerod at tumakbo ako palapit sa kanya. Yayakapin ko sana siya, pero itinulak niya ako. Sobrang lakas na tumama sa center table sa mini sala ang braso ko. Ininda ko ang sakit sa isip ko at nanatiling nakaupo sa carpet at nakatulala sa kay Jerod. Gulat sa kanyang ginawa. He pushed me away. It wasn't the first time, but it felt like it was. Masakit na literal kang itulak palayo ng mahal mo mula sa kanya.
I wept. Hard. And when I say hard, t'was really hard to the point that I can't manage to breath normal. I was controlling my sobs while looking staright into his eyes.
"Are you happy now?" Natigil ako sa pag-iyak.
Unti-unting nawawala ang mga hikbing gustong kumawala kanina. Nanlamig ako sa tanong niya. Kinakabahan sa mga susunod niyang sasabihin. Baka alam na niya.
"W-what do you mean?" Kinakabahang tanong ko.
"I was the one who pleaded her to call me! Bakit ba nakikielam ka sa relasyon namin?!" I was dumbfounded.
"Jerod.." T'was all I managed to say.
"Ako 'yung tumawag sa kanya, Jac. I want to talk to her. Gusto kong malinawan bago-" Pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Enough. I don't want to hear it anymore." Iika-ika akong tumayo at naglakad papunta sa kama.
Tahimik kong iniinda ang sakit sa braso at sa balakang ko dahil sa nangyari. Dahan-dahan akong sumampa sa kama at nagkumot. Pinahiran ko ang mga luha ko. Ayaw ko ng marinig na babalikan niya si Janine. Now, things are getting fucked up. Hindi ata talaga niya ako kayang mahalin. Masakit, pero titiisin ko. Kaya ko pa. Kaya mo pa, Jac.
BINABASA MO ANG
My Antagonist Wife *completed*
RomanceANTAGONIST! Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag hinanap mo siya sa Google o sa Merriam Webster o kaya sa English-Filipino dictionary, ang lumalabas ay ENEMY. So ibig sabihin kabaligtaran niya ang PROTAGONIST na ang ibig sabihin naman ay friend or the...