Fifty

93 3 2
                                    

"Jerod!" Nagising ako sa sigaw ni Jac. Agad akong tumayo at hinanap kung nasaan siya.

"Jac?!" Namataan ko ang ilaw sa bathroom. Nakabukas ang pinto nito. Tumakbo ako papunta doon.

"Jerod.." She was crying while holding onto her bump. May iilang dugo sa sahig pati na rin sa kamay niya.

"Baby, what happened?" Tanong ko at dali-daling lumapit sa kanya.

Hindi niya ako masagot. Patuloy siya sa pag-iyak habang naka-hawak sa bump niya. I checked if the blood was from her legs, but nah. Medyo naka-hinga ako ng maluwag dahil doon. Pero hindi pa rin mawala ang kaba ko. Binuhat ko siya palabas ng bathroom. Hinanap ko ang phone ko at ang car keys. I need to bring her to the hospital.

Dali-dali akong bumaba ng hagdan habang buhat siya. I didn't know how I managed to do so. It says 7:05 in the morning. Ipinasok ko siya sa backseat at nilagyan ng seatbelt. I dialed Ruzz's number first since may message siya sa akin.

"Hello.." Mukhang kanina pa siyang gising.

"Ruzz, papunta ako ng hospital. Emergency." Narinig ko ang boses ni Al na nagtatanong kung bakit.

"Why?! May nangyari sa'yo? Kay Jac?" Palabas na kami ng village. Tinignan ko sa rearview mirror si Jac. Nakapikit lang siya at naka-hawak sa bump niya.

"It's Jac. Basta sa ospital ko na lang ipapaliwanag. Meet me there." Ibinaba ko na ang tawag at nagfocus sa pagda-drive. "Baby, konting tiis na lang. Okay?" She was looking at me while crying.

Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako at nanginginig ang kamay ko. I don't know if we can make it to the hospital sa lagay ko'ng 'to.

Nang makita ko ang ospital ay parang nabunutan ako ng isang tinik. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng emergency entrance. Binuhat ko siya at patakbong dinala sa loob.

"Hey, nurse!" Sigaw ko sa isang nurse na mukhang kakatapos lang mag-assist sa isang batang nasugatan.

"Ano po ang nangyari?" Tanong niya habang pinapaupo sa wheelchair si Jac.

"I don't know. Nagising lang ako sa sigaw niya. I found her at the bathroom. There were blood on the floor." Sunud-sunod ang tango ng nurse habang chini-check si Jac.

Dumating na rin ang iba pa'ng nurse kasama ang isang doctor. Dali-dali nilang ipinasok sa loob ng isang kwarto si Jac. Naiwan ako doon na tulala. I don't know what happened to her. She didn't have the strength to tell me. Parang hinang-hina siya at hirap na hirap.

Umupo ako sa isang bench habang hinihintay ang paglabas ng doktor. Ramdam ko ang lamig ng hallway ng ospital. I don't want to call our parents yet. Siguradong mag-aalala lang sila. Ayaw ko'ng ma-stress sila. Atsaka ko na sila kakausapin kapag nakausap ko na ang doktor.

"Mr. Zaragoza?" Tawag ng isang doktor sa akin. Pamilyar siya sa akin. Siya ang doktor na nag-asikaso kay Jac noong nakaraang buwan na isinugod namin si Jac sa ospital.

"Yes, doc?" Pinasunod niya ako sa isang kwarto na mukhang opisina niya. "Kamusta po si Jac?" Tanong ko nang makaupo na kaming dalawa.

"She's not okay. Napagod ba siya kagabi? I told her to refrain herself from doing strenuous activities. Maselan ang pagbubuntis niya. I even showed her the test results." I looked confusingly at the doctor.

"Test results? I thought everything's normal? She told me everything's okay." Kita ko ang pagtataka sa itsura ng doktor.

"She didn't tell you about it?" Dahan-dahan akong tumango.

"You see.." Binuksan niya ang folder sa harap niya. Kumakabog ang dibdib ko. Halos hindi rin makapag-salita ang doktor. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos nito.

My Antagonist Wife *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon