Prologue

135 19 38
                                    


"Lahat ng prince charming ay may mabubuting kalooban at nililigtas nila ang kanilang mga prinsensa mula sa kapahamakan."

"Saan po ako makahahanap ng Prince Charming, Lola?"

"Hindi siya hinahanap, apo." Napangiti si Lola sa akin habang hinahaplos ang aking buhok. "Kusa siyang darating at kakatok sa iyong puso."

"Paano kung hindi po ako gusto ng aking prince charming? May pwede po ba akong gawin para magkagusto siya sa 'kin?"

Mga munting tawa ang lumabas sa bibig ni Lola. Kulubot man ang kaniyang mukha ay makikita pa rin ang napakagandang kurba ng kaniyang ngiti.

"Ang pag-ibig ay hindi pinapangunahan, iha. Kung nakalaan ito para sa 'yo ay masaya mo itong tanggapin sa iyong puso. Ngunit, kung hindi naman ay tanggapin mo ito nang maluwag sa iyong damdamin."

Tumayo na ako upang magpaalam kay Lola. "Okay po, Lola. Balang araw ay makikita ko rin ang prince charming ko."

-•••••-

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon