Ava
"Pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit ano."
"Ano?"
Sabay-sabay naming tanong nina Papa, Kuya at Levi.
Kausap namin ngayon ang isang manggagamot na nagbigay ng Amor detector kay Papa noon. Aling Sinay ang tawag sa kaniya. Siya na mismo ang nagtungo rito sa bahay.
"Iyon ang paraan para hindi ka mamatay, Ava."
Kakaiba ang boses ng matandang ito. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya magsalita o nilalaliman lang niya ang kaniyang boses para magmukhang nakakatakot. Mahigpit ang hawak ni Levi sa kamay ko. Kahit papaano ay naiibsan ang lungkot ko dahil narito siya sa tabi ko."Isang pagmamahal na handang magsakripisyo, buong-buo at walang kapalit."
Napatingin kaming lahat kay Levi. Napahawak siya sa kaniyang batok sabay ngiti sa amin na hindi lumalabas ang mga ngipin. Nahihiya siya, ramdam ko.
Ano bang ibig sabihin ng matandang 'to? Hindi talaga ako naniniwala sa mga ganitong bagay pero buhay ko na ang nakataya. Papatusin ko kahit anong paraan, puwera lang ang pag-iwan ni Levi sa akin at mahalin ang taong 'di ko naman mahal.
"Ano? Baka kailangan nilang magkaroon ng anak?" tanong ni Papa.
Seryoso? Anak?
"Hindi. Iyon lamang ang sabi ng aking mga baraha." Napatingin kami sa mga nakalatag na baraha sa harapan niya. Totoo kaya ang sinasabi niya?
"Itay, kailangan munang magsikap ni Levi bago niya anakan si Ava. Kailangan mapakasalan muna niya at masiguradong hindi magugutom ang kapatid ko," sambit ni Kuya.
Nag-init ang aking mga pisngi. Hindi ko akalaing darating kami sa puntong ganito. Nahihiya tuloy ako kay Levi.
"Kahit ano po ay gagawin ko . . . mabuhay lamang si Ava," sagot naman ni Levi. Seryoso pero maaliwalas ang mukha niya.
Napatango naman sina Papa at Kuya. Muling nagsalita si Aling Sinay.
"Tunay na pag-ibig ang kapalit ng buhay ng mga Amor. Iyon kasi ang ipinagkait nila sa kanilang mga sarili noong sila ay mga tao pa lamang. Isang bugtong ang ibinigay ni Eros sa kanila, ngunit nalilihis sila sa tunay na kasagutan sa tanong kaya may isang taong madadamay sa kanilang minimithing kalayaan. At ang taong iyon ay ikaw!" Pinandilatan niya ako ng mga mata, dahilan para mapasandal ako sa upuan. Muntik na akong matumba dahil naisigaw niya ang salitang 'ikaw'. Hinawakan ni Levi ang aking likod.
"Manang, alam ko. H'wag na sana kayong manakot." Pinagkrus ko ang aking mga braso at napatingin sa labas. Marahang hinaplos ni Levi ang aking likod. Tumibok nang mabilis ang puso ko. Puno na ito ng takot pero mukhang ang boses ng matanda ang magpapasuko rito.
"Nauubos ang oras. Kailangang makaisip agad ng paraan," sabi ni Papa kay Aling Sinay.
"Paano maibibigay ang pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit ano?" tanong ni Kuya. Seryosong napatingin sa kanya si Aling Sinay.
"Hindi paano—kundi . . ." Nabaling sa akin ang mga mata ni Aling Sinay bago nagsalita.
"Sino."
***
"Ava, puwedeng pumasok?"
Kumatok sa pintuan ng aking silid si Levi. Malalim na ang gabi pero mukhang ramdam niyang hindi pa ako tulog. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Levi.
"Can I come in?"
Tumango ako at pumasok siya. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at pambahay na shorts.
BINABASA MO ANG
AMOR
Любовные романыPublished under INKSPIRED PUBLISHING HOUSE. ➶ ♡➶♡➶♡ Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Matagal nang may pagtingin ang isang simpleng babae na si Ava sa kanyang makisig at maginoong kaibigan na si Angelo. Sa pagnanais niyang mahalin...