Angelo
"Shot pa, pare."
"Hinay-hinay lang, Philip. Baka hindi na tayo makauwi."
Muling binuksan ni Philip ang panibagong beer na in-order niya. Nakaapat na bote na ako samantalang naka-anim na siya. Ramdam kong nahihilo na ako, pero ayaw huminto ng sikmura ko. Sumasakit na rin ang ilong ko dahil sa halo-halong amoy ng mga sigarilyo, tambutso ng mga sasakyan at amoy ng mga pagkain.
"Gelo," seryoso siyang nakatingin sa akin. Malakas talaga ang tolerance ni Philip sa alak.
"Ano'ng gagawin ko. Hindi ko makalimutan si Glenda."Ininom ko ang natitirang beer sa bote. "Hindi ko rin makalimutan si Ava," sambit ko.
"Kahit ano'ng gawin ko, kahit maging busy ako, kahit uminom ako, kahit anong paraan, hindi ko pa rin siya makalimutan! Parang bangungot na kahit hanggang paggising ay nakabuntot. Tangina 'di ko na kaya."
Tuluyan na siyang umiyak. Mabuti na lamang at maingay ang paligid. Pinili namin ang pinakagilid, malayo sa sentro ng maliwanag na bombilya.
"Mahirap talagang makalimot, Philip."
"Hindi niya ako minahal! Ang minahal niya ay si Abe! Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko! Wala ng bisa ang palaso, pero mahal ko na siya!" Hinampas niya ang lamesa.
May ibang taong napatingin sa amin ngunit agad din silang umiwas nang tingnan ko sila.
"Umuwi na tayo, Philip. Magpahinga ka muna. H'wag mo muna siyang isipin."
"Mamaya pa, Gelo. Ayaw kong umuwi. Gusto kong huminga."
Natahimik na lang ako. Kahit ako ay gusto kong huminga. Gusto ko siyang palayain pero hindi ko kaya. Maramot ba ako?
"Angelo."
Napalingon kami ni Philip sa taong tumawag sa 'kin.
"Ano'ng ginagawa mo rito," walang gana kong tanong kay Arabella.
"Can we talk?"
"Wala tayong dapat na pag-usapan. Ayaw kitang makita."
Nagsimula na siyang umiyak. Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya tiningnan.
"I'm sorry, Angelo. Mahal na mahal pa rin kita. Ano ba'ng ayaw mo sa akin? I can change. Lahat ay gagawin ko para sa 'yo."
Hindi ako sumagot. Nakatingin naman si Philip sa malayo.
"Si Ava ba? Mahal mo siya? Gusto mo siya, hindi ba?" Mahigpit kong hinawakan ang bote ng beer. "Bakit, Angelo? Gusto mo, gayahin ko siya? Mamahalin mo ba ulit ako?"
Tiningnan ko siya nang matalim. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Ara? Alam ko na ang lahat. Pinapana mo 'ko! Hindi kita minahal, alam mo 'yan! Paano mo nagawa sa'kin 'to? Napana na nga ako ay gusto mo ulit akong panain!"
Natulala siya sa sinabi ko. Patuloy ang pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata.
"P-papaano mo n-nalaman?"
"Nakita kitang may kausap na batang babae. Narinig ko ang pag-uusap niyo. Oo, mahal ko si Ava, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa 'yo. Hiniwalayan kita dahil hindi kita mahal."
Hangga't maaari ay ayaw kong makasagutan ang isang babae, pero halo-halo na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako.
Inabutan ulit ako ni Philip ng isang beer. Ininom ko ito ng dire-diretso. Hindi ako ganito uminom, pero gusto ko nang matapos ang gabing ito. Gusto ko na lang matumba at makalimutan ang lahat.
BINABASA MO ANG
AMOR
RomancePublished under INKSPIRED PUBLISHING HOUSE. ➶ ♡➶♡➶♡ Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Matagal nang may pagtingin ang isang simpleng babae na si Ava sa kanyang makisig at maginoong kaibigan na si Angelo. Sa pagnanais niyang mahalin...