Chapter 13: Sweet Deceiver

69 16 243
                                    

Ava

"Mama, masayang katrabaho si Levi."

Sinusuklay ko ang buhok ni mama. Hindi man siya nagsasalita, patuloy pa rin ako sa pagkukuwento. Tulala lamang si mama. Naririnig niya kaya ako?

"Guwapo rin siya mama, parang si Angelo."

Angelo.

Napatigil ako sa pagsasalita.

Hindi ko na masyadong naiisip si Angelo. Kumusta na kaya siya? Hindi na rin mabigat ang loob ko sa tuwing naaalala ko siya. Madalang siyang dumalaw. Siguro ay maraming pinapagawa sa kanya sa restaurant nina Arabella.

Napatingin ako kay mama. Kawawa naman siya. Ilang taon nang ganito si mama. Bukod kay mama ay hirap na hirap na rin si Papa pero patuloy lamang na sinasabi ni Papa na huwag kaming mawalan ng pag-asa. Sana dumating ang araw na makausap pa namin si mama. Naaawa ako sa kanya dahil nakakulong na lamang siya rito sa kuwarto. Buhay nga siya pero hindi niya nararanasang mabuhay. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil ilang taon na siyang ganito. Okay na sa akin kung walang mag-aalaga sa amin, pero ang maranasan niya ang ganitong bagay ay hindi katanggap-tanggap sa damdamin ko. Wala naman siyang ginawang masama para pagdusahan niya ang ganitong bagay.

Niyakap ko si mama at bumulong sa kaniyang tainga.

"I love you, mama."

***

"May kasama tayong rabbit."

Sinipa ko ang paa ni Filimon.

"Aray naman, Ava! Isang linggo na kasing dahon ang ulam mo. Lahat na yata ng dahon inuulam mo."

"Hindi kasi kaya, Filimon. Buti nga may kinakain pa ako."

Natahimik bigla si Filimon. Nagulat na lang ako nang ilagay ni Levi ang prinitong karne sa baunan ko. Dalawa kasi ang baon niyang karne. Dati-rati ay isang hati lang ang binabaon niya kapag mga prinitong ulam.

"Hala, okay lang ako, Levi. Kunin mo na 'tong ulam mo."

Tutusukin ko sana ito ng tinidor ngunit hinawakan ni Levi ang pulsuan ko.

"It's okay, Ava. Kainin mo na 'yan. Binigay ko na 'yan sa 'yo."

Napayuko ang aking ulo. Nakakahiya!

"S-Salamat, Levi."

Ngumisi naman si Filimon. "Ayos a, sharing is caring!"

"Ngumiti lang si Levi samantalang gusto ko nang ibaon si Filimon sa lupa. Dumadagdag lang siya sa iniisip ko.

Napangiti ako sa aking sarili nang mapansin kong, mas malaki ang binigay niya sa aking karne.

***

"It tastes good."

Nagmemeryenda kami ni Levi ng binili niyang tinda naming french fries na sour cream ang flavor. Nakatingin lamang kami kay Filimon na abala sa paglilinis sa loob ng Ice cream truck.

"Mabuti at hindi ka nasasaktan sa mga biro ni Philip."

Sinubo ko muna ang aking french fries bago nagsalita. "Sanay na ako. Magkaibigan naman kami, saka tama naman ang mga sinasabi niya."

"You're beautiful."

Bigla akong naubo dahil sa sinabi niya. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig saka sinundan ko ng pag-inom ng tubig.

"Ano?"

Seryoso lamang ang kaniyang mukha. Halos isang buwan ko nang nakakasama si Levi at tama nga si Filimon, hindi siya maarteng lalaki. Magalang siya sa mga taong bumibili at alam din niya kung paano gumawa ng burger. Maayos din ang paglilinis niya at mabilis siyang magbilang ng pera.

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon