SPECIAL CHAPTER

91 12 59
                                    

   "MAY  isang  hindi  matahimik  na  Amor.  Pilit  niyang hinahanap ang totoong ibig sabihin ng pag-ibig. Matinding pagod at  uhaw  ang kaniyang  nararamdaman  sa  paghahanap ng  salitang nawala sa kaniyang puso."

"Grabe po ang mga kuwento niyo, lola. Nakakatakot." Napangiti  ang  matandang  babae.  "Dapat  ay  palagi  mong tingnan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. Kailanman ay hindi  ito  maramot,  hindi  rin  para  sa  sariling  interes.  Matatag  at malaya ito."

"Sino  po  ba  talaga  kasi  ang  makapagbibigay  ng  greatest  love, lola?" Hinaplos  ng  matanda  ang  buhok  ng  kaniyang  apo.  Kung noon ay tungkol sa mga  Prince Charming ang  nais malaman ng batang babae, ngayon naman ay mas lumalalim ito habang ito ay nagdadalaga.

"Kahit sino  ay maaaring makapagbigay ng  greatest love,  iha. Maaring ang ating ama, mga nakatatandang kapatid, o mga mas batang  kapatid,  mga  kaibigan,  ang  ating  magiging  asawa  o  ikaw mismo. Ngunit isang patunay ng walang hanggang pagmamahal ay ang  pagmamahal  ng  ina  para  sa  kaniyang  anak.  Hindi  ito nasusukat. Hindi humihinto ang ina na magmahal. Hindi kayang tiisin ng ina ang anak. Walang hinihinging kapalit na pagmamahal ang ina. Buong puso niya itong ibinibigay kasabay ng mga maliliit na pagsasakripisyong hindi natin alintana sa  araw-araw."

Napangiti  ang  dalaga. Mayroong  panibagong aral siyang natutunan.

"Sa susunod ulit, lola ay dadalaw ako rito. Sana mahanap na ni  Lilith  ang  tunay  na  ibig  sabihin  ng  pag-ibig  at  sana  ay makahanap  rin  ako  ng  lalaking  kasing  kisig  at  ubod  ng  bait  na tulad  ni  Lolo.  At  promise  po,  hindi  na  ako  magiging  bad  kay mommy. Hindi na po ako sasagot nang pabalang sa kanya." Matingkad na ngumiti ang matandang babae.

"Mabuti 'yon, apo. Nahihirapan ang iyong ina sa pag-aalaga at paglilinis ng bahay. Dapat ay ilagay mo sa iyong isipan na habang nabubuhay  ang  iyong  ina  ay  mahalin  at  respetuhin  mo  siya gayundin ang iyong ama."

"Opo,  lola.  Sige  po.  Maraming  salamat  po."  Humalik  sa pisngi ng matanda ang dalaga. 

NANG  makaalis  ito  ay  tiningnan  lamang  ng  matanda  ang pasalubong ng bata na burger at fries. Ilang sandali ay dumating ang kaniyang asawa.

"Nanggaling dito ang apo natin?"

"Oo, fries ko. May pasalubong siya para sa 'yo."

Tiningnan ng matandang lalaki ang nasa lamesa at napangiti.

"Bawal na sa atin 'yan, my burger." Nagtawanan ang dalawang matanda habang nakatitig sa isa't isa.

•••••

A/N: May isa pang Special Chapter na available sa book. Published by Inkspired Publishing House, First Printing 2021.

Maraming salamat po sa mga taong sumuporta sa AMOR. Lagi po nating tandaan na ang pagmamahal ay maaaring ibigay ng kahit sino sa lahat ng tao. Salamat.🌸🌸🌸

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon