Ava
"Ang sarap talaga ng barbecue!"
Masayang-masaya si Filimon sa kinakain niyang barbecue. Kumakain kami rito sa tindahan ng barbecue na may mga lamesa at mga upuan para sa mga gustong kumain na may kasamang kanin. 'Yung ibang kumakain ay umiinom ng beer.
Narito kami nina Levi, Filimon at Ate Glenda. Gusto ko na sanang umuwi dahil wala ako sa mood, pero mapilit lang kasi si Filimon. Hanggang ngayon ay kinakalampag ako ng konsensya ko. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat kina Filimon at Angelo ang lahat. Hindi ko rin alam kung ano'ng gagawin ko para hindi mamatay si Angelo.
"Are you okay?"
Nginitian ko lang si Levi. Umiinom ng beer sina Filimon at Ate Glenda. Hindi naman umiinom si Levi.
"Oo, okay lang ako."
"Dati, tatlo lang kaming pumupunta rito, ngayon, with partners na," malambing na niyakap ni Filimon si Ate Glenda. Niyakap din siya pabalik ni Ate Glenda. Pulang-pula na ang kanilang mga pisngi.
"Umiinom ka ba noon?" tanong sa akin ni Levi.
Biglang tumawa si Filimon. "Binibigyan ko siya noon kaso ayaw ni Angelo. Kaya noong broken-hearted si Ava, nag-aya siyang uminom, nag-inuman kaming dalawa."
Nanlaki ang mga mata ko. Lasing na yata siya! Kumunot naman ang noo ng mga kasama namin.
"Nag-inuman kayo ni Philip? Wala namang nangyaring hindi namin alam?" tanong ni Ate Glenda. Para siyang nagseselos sa tono ng boses niya. Nakakunot pa rin ang noo niya.
"Wala, Ate. Tag-isang beer lang kami."
"Kasi lasing na siya agad sa isang bote kaya noong dumating si Gelo, binuhat siya pauwi."
Nagsalubong na ang aking mga kilay. Hindi ako makapaniwala! Sa mga oras na ito ay gusto kong putulin ang dila ni Filimon! Tumawa pa lalo si Filimon at tila nawala naman ang inis sa mukha ni Ate Glenda. Nagtatawanan na sila na parang mga walang kasama.
Tiningnan ko naman si Levi at walang gana niyang kinakain ang kaniyang barbecue kasama ang kanin. Seryoso lang ang kaniyang mukha na nakatingin lamang sa pagkain niya.
Napatingin din siya sa akin at napangiti siya, ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.
"Levi..."
"Yes?"
"Okay ka lang?"
"Yes, I'm fine. 'Wag kang mag-alala sa 'kin." Pinilit pa rin niyang ngumiti kahit na bumabagsak na ang mga mata niya sa lungkot.
Bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit ngunit inilapit ko ang aking sarili sa kanya at ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang braso. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya bago ko ipinatong ang aking ulo sa kaniyang balikat.
Hindi ko alam kung nakikita kami nina Filimon dahil abala pa rin sila sa pagtawa.
Niyakap ako pabalik ni Levi at marahan niyang hinaplos ang aking buhok.
"Salamat, Ava."
"Bakit?" Hindi pa rin ako bumibitiw. Malambing ang kaniyang boses.
"Salamat sa pagyakap."
Hindi ko alam kung anong reaksyon niya nang bigla akong magsalita.
"Gusto kita, Levi."
***
"Sandali lang ha."
Hindi ko akalaing susunduin ako ni Levi. Gusto niyang sabay kaming pumasok. Palabas na ako ng aking silid nang makita ko siyang lumabas sa kuwarto nina papa at mama.
BINABASA MO ANG
AMOR
RomancePublished under INKSPIRED PUBLISHING HOUSE. ➶ ♡➶♡➶♡ Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Matagal nang may pagtingin ang isang simpleng babae na si Ava sa kanyang makisig at maginoong kaibigan na si Angelo. Sa pagnanais niyang mahalin...