Chapter 12: True Love

52 16 183
                                    

Ava

"Iyan ang naidudulot ng maramot na pag-ibig, Ava. Pinangunahan mo ang tadhana. Natulungan ka ba, o nasaktan ka lang."

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Tama ba ang naririnig ko?

"K-Kuya?"

"Sinundan ko kayo ni Glenda noong nasa Balungao tayo, Ava. Gusto sana kitang pigilan ngunit baka may mangyari sa 'yong masama! Hindi ko pa alam kung saan kayo papunta, ngunit nang makita ko ang mga Amor, natakot ako para sa buhay mo!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko. Napatakip ako ng aking bibig gamit ang aking dalawang kamay.

"Ano, Ava? Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa akin. Hindi mo man lang pinigilan si Glenda sa nais niyang mangyari. Gusto mo ba akong matali sa kanya? Sa taong hindi ko naman mahal? Hindi mo ginamit ang utak mo, Ava. Kaibigan mo rin si Angelo, ngunit mas inisip mo ang kapakanan mo! At ngayon, hindi ka ba kinakatok ng konsensya mo dahil sa pagkabaliw ni Filimon kay Glenda? Sa tingin mo ba ay mapapatawad ka pa nila kapag nalaman nila ang totoo?"

Dumaloy ang mga maiinit na luha sa aking pisngi. Napaupo ako sa upuan habang nakatitig kay kuya. Seryoso ang kaniyang mukha at ramdam kong siya ay may hinanakit sa akin.

"At ngayon ay umiiyak ka dahil sa kinahinatnan ng hiling mo! Mapanganib ang mga Amor, Ava. Tahimik lang silang namumuhay ngunit binubulabog ng mga taong ganid sa pag-ibig. Nagkasala sila ng dahil sa pagmamahal."

Napayuko ang aking ulo habang tumutulo ang aking mga luha sa lamesa. Hindi ko na kaya.

"Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa mga Amor. Akala ko ay parte lamang sila ng imahinasyon ng mga malilikot ang utak pero nang makita ko sila ay nangibabaw ang takot sa akin."

"I'm sorry, Kuya."

Hindi niya ako pinakinggan.

"At isa pa, Ava. Paano kung nagkagusto sa 'yo si Angelo dahil sa palaso, ano'ng mararamdaman mo? Kaya mong maging masaya kahit na hindi totoo ang nararamdaman ni Angelo?"

Lalo pa akong napahagulgol.

Tumayo si Kuya at isinandal niya ang aking ulo sa kaniyang tiyan habang siya ay nakatayo. Hinaplos niya nang marahan ang aking ulo.

"Hindi ko kayang magalit sa 'yo, kapatid ko. Pinapangaralan lamang kita dahil mali ang ginawa n'yo. Kasalanan ito."

"S-Salamat, Kuya."

Yumuko siya upang magpantay ang aming paningin.

"Kalimutan mo na si Angelo, Ava."

***

"Sorry, na-late ako."

Akala ko ay si Angelo lamang ang madadatnan ko, pero narito rin ang aming boss at ang isang lalaking sa tingin ko ay ang pinsan ni Filimon na magiging kapalit ni Angelo.

Natahimik sila nang makita ako.

"Good morning, Ma'am," bati ko sa boss namin.

"Good morning din, Ava. Siya pala si Levi, ang makakasama mo rito na kapalit ni Angelo."

Ngayon pala ang alis ni Angelo.

Ipinakilala ni boss ang bagong kasama ko. Natulala na lang ako sa harapan niya nang bigyan niya ako ng matipid na ngiti. Mukha siyang Pinoy na may lahing Arabo. Matangkad siya tulad ni Angelo. Ang kaniyang mga mata... expressive eyes.. Kamukha niya si Zayn Malik na isang singer.

"Ava, nakikinig ka ba?"

Nataranta akong napatingin sa boss ko. Kahit si Angelo ay nakakunot ang noo, samantalang ngumisi lang si Levi.

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon