Chapter 28: The Secret

43 16 189
                                    

Ava

"Eva?"

"Kilala mo si Mama?"

Napatingin sa akin si Valentina. Puno ng pagkagulat ang kaniyang mukha.

"Nanay mo si Eva?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Parehong nanlaki ang mga mata namin.

Nakatulala lamang si mama kay Valentina.

"Oo, mama ko siya."

Umupo sa aking kama si Valentina. Hinawakan niya ang mukha ni Mama. Hindi ako nakaramdam ng takot nang hawakan niya si Mama.

"Hindi ko akalaing nanay mo siya. Ano'ng nangyari sa kanya?"

Napahawak ako sa aking dibdib. Kakaibang kirot ang aking naramdaman. Parang may humawak sa puso ko at piniga ito nang biglaan. Ano'ng nangyayari sa akin?

"Masakit ba ang dibdib mo, Ava?" nag-aalalang tanong ni Valentina.

"Oo. Hindi ko maipaliwanag, pero parang umaapoy ito sa loob." Tumayo si Valentina at hinawakan ako sa braso.

"Tulad ng sinabi ko sa 'yo, habang tumatagal na hindi mo nasusuklian ang pagmamahal ni Angelo ay unti-unti kang manghihina at mamamatay."

Huminga ako nang malalim. Ang bawat pagkurap ng mga mata ni Valentina ay parang tambol ng takot na unti-unting pumapatay sa akin. Muli akong napatingin kay mama na nakatingin na naman sa kawalan.

Unti-unting lumuwag ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay kapapasok lang ng hangin sa katawan ko. Binitiwan na ako ni Valentina at muli siyang umupo sa kama. Hinawakan niya ang kamay ni Mama. Muntik ko na siyang pigilan, ngunit alam kong hindi sasaktan niya si Mama.

"Sino ang iyong ama, Ava?"

Napakunot ang aking noo pero hindi na ako nagtanong.

"Andre—Andre Ancheta."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Valentina.

"Hindi ko naiintindihan. Bakit mo kilala si Mama? Paano?"

"Ang mama mo at si Lilith ay matalik na magkaibigan!"

***

"Happy birthday, Ava!"

Sabay-sabay na bumati ang mga taong malalapit sa akin. Kahit na wala pa akong trabaho ay ipinaghanda ako nina Papa at Kuya ng mga masasarap na pagkain. May inihaw na bangus, caldereta at lechon manok. Binilhan din ako ni Kuya ng cheesecake. Nakatikim na ako ng cheesecake noon nang magbigay ang boss namin ng tag-isang slice para sa amin ni Angelo. Nabanggit ko ito kay Kuya at pinilit niyang bumili kahit sobrang mahal nito. Kahit isang beses ko lang naikuwento ay naalala pa rin niya.

Narito rin si Angelo, ang kaniyang ina at mga kapatid. Kasama rin si Ate Glenda at si Filimon. Hindi pinapansin ni Ate Glenda si Filimon, samantalang nahihiya namang lumapit si Filimon kay Ate Glenda. Si mama naman ay nakaupo sa gilid, tulala lang siya habang katabi si Papa.

"Maraming salamat sa inyong lahat."

"Ang drama mo, Ava," biro ni Filimon. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Happy birthday, napakaganda kong bestfriend."

Niyakap niya ako nang mahigpit. Nagpapasalamat ako dahil pinatawad ako ni Filimon. Palagi niya akong dinadalaw at pinapalakas ang aking loob. Tunay ko siyang kaibigan at alam kong hindi niya ako iiwan.

"Salamat, Filimon."

Bigla siyang tumawa nang tumulo ang aking mga luha. "Huwag kang umiyak, Ava. Tandaan mo ito, ikaw lang ang papayagan kong tumawag sa akin ng Filimon."

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon