Chapter 14: Act of Love

65 16 200
                                    

Ava

"Ayos a, hindi lang pala trabaho ang nakuha ko rito sa Manila, pati pala girlfriend."

Abala si Levi sa paglalagay ng hotdogs sa steamer. Naikuwento ko sa kanya ang biglaan kong pagbanggit ng pangalan niya sa harapan ni Angelo kaya napilitan na rin akong sabihin sa kanya na may gusto ako kay Angelo. Nakatalikod siya sa akin at mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Hindi ko maiwasang kagatin ang kuko ko sa daliri. Nakakahiya!

"Ang hirap palang magsabi na maganda ang isang babae rito sa Manila." Lumingon siya at napatitig sa akin. "Nagkakaroon ng instant girlfriend."

Napayuko ako upang itago ang hiya na nararamdaman ko. Alam kong sobrang kapal ng mukha ko.

Kahit kailan talaga, Ava ay 'di mo ginagamit ang utak mo. Mas nauuna kasi ang bibig ko!

Tama nga ang sabi ng iba. Bago magsalita ay isipin mo muna ang lalabas sa bibig mo. Napakatanga ko. Nakakainis!

"Hey..."

Lumapit na pala si Levi at marahan niyang hinaplos ang aking ulo.

Ano'ng ginagawa niya?

"Kung sasakyan ko itong naisip mo, hanggang kailan? Hindi naman ako galit but it doesn't make sense. Wala itong epekto kay Angelo dahil may girlfriend na siya."

Tama siya. Natataranta tuloy ang utak ko.

Tumingala ako at nagsalubong ang aming mga mata. "P-Pasensiya ka na. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. S-Sasabihin ko na lang na nag-break na tayo," napapikit ako. Nakakailang tuloy!

Napatigil kami sa pag-uusap nang may nagsalita sa harapan namin.

"Ava."

Angelo?

Ano'ng ginagawa ni Angelo rito?

Seryoso lamang siyang nakatingin sa amin ni Levi at halos magdikit na ang kaniyang dalawang kilay. Tumakbo palapit si Filimon kay Angelo.

"Gelo! Kumusta ka na, pare?" Napatingin si Filimon sa dala ni Angelo. "Wow ano 'yang dala mo?"

Ibinigay ni Angelo ang mga dala niyang pagkain kay Filimon. Hindi niya pinutol ang titigan naming dalawa. Hindi ako prepared!

"Totoo nga... Kayo na," sambit ni Angelo. Seryoso lamang ang kaniyang mukha at walang buhay ang kaniyang mga mata.

Kung kanina ay nasa ulo ko ang kamay ni Levi, ngayon naman ay bumaba ito sa aking balikat.

"Oo, may magagalit ba?" kalmadong pagkasabi ni Levi.

Hala?

Hindi ako makagalaw.

Napaigting ang panga ni Angelo. Lumaki naman ang aking mga mata ganoon din si Filimon.

"Ano?" Nagpalipat-lipat ang mga mata ni Filimon, mula kay Levi at sa akin. "K-Kailan pa?" Natawa si Filimon ngunit agad din itong natigil dahil seryoso lamang ang mukha naming tatlo.

"Insan, ikaw ba 'yan? Sa lahat ng babaeng naghabol sa 'yo ay kay Ava ka pa talaga nagkagusto? Parang mabilis naman yata."

Muli na namang tumawa si Filimon.

Siningkitan ko ng mata si Filimon. Hinigpitan lalo ni Levi ang paghawak niya sa aking balikat at lalo niya akong inilapit sa kaniyang katawan.

Ano ba! Lagi na lang akong pumapasok sa problema!

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon