Chapter 31: The End is Near

58 15 163
                                    

Angelo

"Sana magkaroon ng solusyon. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala si Ava."

Tumango ako sa sinabi ni Philip.

"Oo nga. Pinapalakas ko na lang ang loob niya sa tuwing tumatawag ako sa kaniya," napatingin ako kay Philip. Uuwi na sana kami ngunit nagpasama siyang uminom.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan si Glenda, tulad ko na hindi rin makalimot kay Ava.

Bumuga siya ng usok mula sa sigarilyo. "Nag-aalala ako kay Ava, pare."

Napatango na lang ako. Hindi na ako nakakatulog kakaisip kay Ava.

"Gelo, thank you pala."

Kumunot ang noo ko. "Para sa'n?"

Ngumiti si Philip ngunit seryoso ang mga mata niya. "Dahil pinakawalan mo si Ava. Hindi ako pumapanig sa kahit sino. Do'n ako sa side ng taong mahal ni Ava."

Huminga ako nang malalim bago uminom ng beer. "Mahal ko siya kaya ko siya pinakawalan. Alam kong 'di siya pababayaan ng pinsan mo."

Muling humithit ng panibagong sigarilyo si Philip. "Noong nadatnan n'yo kami ni Ava na umiinom noon, umamin siya sa akin na mahal ka niya. Masakit pare na makitang umiiyak siya dahil sa 'yo. 'Di ko nga siya madaan sa biro. Masaya ako nang makalimutan ka niya. Alam kong wala kang kasalanan dahil pinapana ka lang ng ex mo, pero masaya akong nahanap ni Ava ang tamang tao para sa kaniya. No offense, pero mas deserve ni insan si Ava."

Tumango-tango lang ako. Tama naman ang sinabi ni Philip. Masakit pero totoo.

"Ako naman, hindi ko makalimutan si Glenda. Alam ko rin 'yung pakiramdam na mas masakit pa sa sugat pero kailangan mong pakawalan."

Dire-diretso niyang ininom ang natirang kalahati ng beer sa bote. "Karma ko 'to pare. Naghahangad kasi ako ng sobrang gandang babae. Hindi naman talaga natin mapipili ang mga gusto natin. Basta na lang titibok, takte. Mahal ko na si Glenda, hindi dahil sa palaso. Mahal ko na siya dahil sa mga pinagsamahan namin. Hay buhay, bullshit!"

Inubos ko na nang tuluyan ang alak sa bote. Hindi na rin ako nagsalita. Hindi niya kailangan ng advice, ang kailangan niya ay makikinig sa kaniya. Paulit-ulit ang pagbuntong-hininga naming dalawa, parang ritmo sa musika, ang kinaibahan nga lang . . .

. . . mabigat sa pakiramdam.

***

Levi

"Levi."

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin.

"Arabella."

Akala ko nasa Manila siya?

She smiled at me with her teeth closed. Nagtatrabaho ako as a bartender dito sa maliit na resto bar. Mabuti na lang at may bar dito sa lugar nila. Sa gabi ako nagtatrabaho para mabantayan ko si Ava during daytime.

"Can we talk?" she asked. Her eyes looked dull and sunken.

"The last time I checked, hindi tayo close."

Napayuko ang kaniyang ulo. Halatang nahihiya siya.
"I'm sorry, pero gusto lang kitang makausap. Lumuwas ako rito para kausapin sana si Ava, but I can't face her."

I can't believe that I am talking to this girl.

"What do you want?"

"Can I have a ladies drink first?"

I sighed. Tumalikod ako para i-prepare ang inumin niya. I put large chunks of fruit and ice in a wide glass. I mixed her drink with juice and brandy, then added red wine.

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon