Epilogue

77 14 241
                                    

Makalipas ang isang taon...

"Kapag natikman mo ito ay siguradong makalilimutan mo ang pangalan mo."

"Talaga? E, ano naman pong special dito?" Tinuro ng isang teenager na babae ang frenchfries na nakalagay sa menu.

"Lefries ang tawag diyan, a perfect combination of sour cream and onion dip. Masarap 'yan. Siguradong magiging loyal ang boyfriend mo sa oras na ipasalubong mo 'yan sa kaniya, "masayang wika ni Filimon. Isang malambing na tawa naman ang pinakawalan ng babaeng bumibili. Lahat ng mga nakapaligid na babae ay manghang-mangha kay Filimon.

Nakapagpundar sina Filimon at Angelo ng sarili nilang tindahan na may bentang mga burger, french fries, hotdogs at ice cream. Pinangalanan nila itong "FilAng's sari-saring Fast Food."

Nagbigay ang ama ni Filimon, isang mayor, ng malaking pera. Hindi sana ito tatanggapin ni Filimon, ngunit nais bumawi ng kaniyang ama kahit sa pagbibigay lamang ng tulong pinansyal. Bumalik naman si Angelo sa restaurant nina Arabella at ng kaniyang ama. Nang makaipon siya ay idinagdag niya ito para mabuo ang kainang pinapangarap nila ni Filimon.

"Ang Vavavoomburger naman ay isa rin sa best-seller namin. Mayroon itong itlog at masarap na mayonnaise with coleslow. May gulay 'yan kaya siguradong gaganda ka." Itinuro naman ni Filimon ang ice cream. "Ito ang Gelo Ice Cream. May kasamang tidbits ng gulaman 'yan, lasang buko pandan. Siguradong lalamig ang iyong pakiramdam sa mainit na panahon."

May mga dumating pang mga customers na natutuwa kay Filimon. Malakas ang hatak niya sa mga customers. Bukod sa masasarap ang kanilang paninda dahil sila mismo ang gumagawa nito, nakadagdag pa ang abilidad ni Filimon sa pagtitinda. Napatunayan niyang, hindi mo kailangang maging guwapo o maganda para makahatak ng customers. Katapatan bilang isang nagtitinda at mabuting pakikitungo ang kailangan.

"Ladies, Ipinagmamalaki ko naman sa inyo ang best-seller namin." Itinuro ni Filimon ang hotdogs in buns. "Ang honeybuns. May special sauce ito sa ibabaw na siguradong magkakalat ng pagmamahal."

Sari-saring tawanan na naman ang pinakawalan ng mga customers. Natigil ang tawanan ng mga babae nang may nagsalita sa likuran. Nanlaki ang mga mata ni Filimon. Nakaramdam siya ng iba't ibang emosyon.

"Puwede ba akong bumili ng honeybuns . . . kasi ang tagal ko nang hinahanap ang hotdog na 'yan."

Natulala si Filimon sa babaeng nagsalita. "G-Glenda ko?"

Ngumiti nang napakatamis si Glenda bago nagsalita. Sa wakas ay napagtanto niyang mahal na rin niya si Filimon.

"My honeybunch."

***

"Para sa 'yo ang melon na ito," wika ni Andre sa kaniyang asawa. Natutunan na rin siyang mahalin ni Eva at mas tumibay pa ang kanilang relasyon dahil sa kanilang mga anak. Bumalik na sila ng Maynila at namuhay nang magkakasama. Magkaibigan na muli sina Armando at Eva ngunit alam nilang hanggang doon na lang iyon. Ang importante ay nagpatawad ang bawat isa sa kanila.

"Salamat, asawa ko."

Hindi namatay si Eva dahil ang tumamang palaso ay ang ikalawang palaso na tumama sa kaniya gamit ang kapangyarihan ni Lilith. Malinaw pa sa ala-ala ni Eva ang mga pangyayari noong gabing iyon.

"Mama!"

Unti-unting naglaho na parang bula si Lilith.

"Mama! Mama!" Hindi na alintana ni Abe ang mga luhang kumalat sa kaniyang buong damit. Hinagkan niya ang ina na nawalan ng malay. Paika-ikang lumapit si Andre at lumuhod sa harapan ng asawa. Samantalang yakap-yakap ni Levi si Ava na nawalan na ng malay.

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon