Chapter 18: My Deep Feelings

65 16 261
                                    

Ava

"Ang sarap ng lechon. 'Di ko akalaing magpapa-lechon ka, insan."

"Ano ka ba, insan, dalawang kilo lang 'yan."

Natutuwa ako sa kanilang dalawa. Kahit na malungkot ang kanilang mga buhay ay hindi ito sagabal para magkaroon ng puwang ang kaligayahan sa kanilang mga puso.

"Happy Birthday, Levi." Nginitian ko siya, isang ngiting punong-puno ng buhay, parang 'yung ngiti na ibinibigay ko para kay Angelo noon.

Nawala ang ngiti sa mukha ko. Bakit ganito ako ngumiti kay Levi?

Hinawakan niya ang aking kamay. Napatingin naman si Angelo sa mga kamay namin. "Salamat, mahal."

Nag-init ang aking mga pisngi saka ko hinila ang aking kamay. Ano ba'ng nangyayari rito kay Levi? Dahil kaya narito rin si Angelo?

Tanghalian ngayon at kumakain kaming apat ng libre ni Levi na lechon belly dahil kaarawan niya ngayon.

Matalim naman kaming tinititigan ni Angelo.

"Insan, magpainom ka naman mamayang gabi."

Umiling-iling ang ulo ni Levi "May date kasi kami ni Ava."

Nagulat akong napatingin sa kanya.

"D-Date?"

Nginitian lang niya ako. "Oo, may date tayo."

"Aray!"

Napatingin kami kay Filimon na napasigaw.

"'Langya naman Gelo, tinusok mo ng tinidor ang kamay ko. Ayan 'yung karne sa plato mo," nagrereklamong pagkasabi ni Filimon habang hawak niya ang kaniyang kaliwang kamay na natusok ni Angelo.

"Sorry, Philip."

Nagpatuloy kami sa pagkain.

"Alam mo, Gelo, masaya ako na wala na kayo ni Arabella kasi palaging maiinit ang ulo mo noong naging kayo, pero nakakalungkot din kasi back to rags ka, wala ng mga pagkaing galing sa restaurant nila," sabi ni Filimon kay Angelo.

"Wala na akong nararamdaman para sa kanya." Nakatingin lamang si Angelo sa plato niya habang kumakain.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Biglang may pumasok sa isipan ko. Kung wala ng nararamdaman si Angelo para kay Arabella at sa akin na siya may gusto, ibig sabihin ay natalo na naman ng tunay na pag-ibig ang palaso ni Lilith. Bakit kaya nagawa 'yon ni Lilith? At paano sila nagkakilala ni Arabella?

"Angelo."

Napatingin kami sa taong tumawag kay Angelo. Isang lalaking sa tingin ko ay nasa edad limampu pataas. Siya ay matangkad at maputi. Ang kaniyang tindig ay nakakatakot, sumisigaw ng pera at kapangyarihan. Bilog ang kaniyang salamin sa mata. Nakasuot siya ng gray na suit and tie.

"Sir."

Tumayo si Angelo. Nabaling ang tingin ng lalaki sa akin at napaawang ang kaniyang mga labi. Bakit ganito tumitig ang lalaking ito? Gulat na gulat ang kaniyang mga mata. Maayos naman ang hitsura ko ngayon.

Kakaiba ang nararamdaman ko sa lalaking ito. Akala ko ay hindi na matatapos ang titigan naming dalawa nang magsalita si Angelo.

Sino ang lalaking ito?

"Ano pong kailangan n'yo, sir?" Napatingin ang lalaki kay Angelo.

"Gusto sana kitang makausap tungkol kay Arabella," napatingin siya sa aming tatlo, "in private."

Tumango lang si Angelo at sinundan ang lalaki na sa tingin ko ay tatay ni Arabella.

"Bakit gano'n ka tingnan ng lalaking 'yon?" tanong ni Levi sa akin.

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon