Chapter 17: Strike Twice

63 15 216
                                    

Ava

"Baka naman nag-a-assume ka lang?"

Natulala ako sa sinabi ni Ate Glenda. Hindi ko rin naman napansin kung umiibig na sa akin si Angelo, ngunit si Levi ang nagsabi na baka bumabalik na ang nararamdaman ni Angelo para sa akin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na alam na ni Levi ang tungkol sa mga Amor.

"Ewan ko. Siguro nga asumera ako."

Biglang tumawa si Ate Glenda. Hinawakan niya ang aking balikat. "Ano ka ba, Ava, binibiro lamang kita. Naniniwala ako sa 'yo. Ang tanong nga lang ay bakit hindi pa rin namamatay ang mga Amor?"

"Hindi ko rin alam, Ate." Hay.

Narito kami ngayon sa park at hinihintay namin ang pagdating ni Leona.

"Balita ko, boyfriend mo na raw 'yung pinsan ni Philip? May gusto ka nga ba sa kanya o ginagamit mo lang siyang panakip butas?"

Mukhang iyon talaga ang dating sa kanila. Tingin yata niya, user ko? Bakit hindi ba? Hay ang sama ko.

Napatingin ako sa mga mata ni Ate Glenda. "Nagkukunwari lang kami, Ate."

Nanlaki ang mga mata ni Ate Glenda saka napatakip sa kaniyang bibig.

"Para ano? Para saktan si Angelo? Mas bet ko pa rin si Angelo. Team Angelo ako 'til the end kahit na ubod pa ng guwapo 'yang Levi mo."

Napaiwas ako ng tingin at napapikit. Bakit gano'n, 'di man lang ako kinilig? Pilit kong hinahanap sa puso ko si Angelo.

"Mabait si Levi. Palagi siyang nagpapatawa at palagi rin niyang dinadalaw sina papa at mama. Kahit hindi niya ako girlfriend ay palagi niya akong pinapasaya."

Namilog ang mga mata ni Ate Glenda. "Bakit, may sinabi ba akong masama tungkol kay Levi? Sinabi ko lang na mas gusto ko si Angelo para sa 'yo. Masyado kang defensive."

Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Leona.

"Nakita niyo na ba ang kapatid ko?"

Wala man lang hi o hello?

"Hindi pa, pero may sasabihin kami sa 'yo," sagot ni Ate Glenda.

Mabuti na lamang at malapit nang gumabi. Wala ng masyadong tao kaya walang makakakita sa amin.

"Ano 'yon?" Napakaseryoso ng mukha ni Leona. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang pinili kong Amor noon.

"Sa tingin ni Ava ay bumalik ang pagmamahal ni Angelo para sa kanya. Natalo ng tunay na pag-ibig ang kapangyarihan ng iyong palaso, ibig sabihin ay maaari na kayong mag-goodbye sa mundo."

Tahimik lamang si Leona. Baka iniisip niyang nagkakamali kami. Akala ko ay hindi na siya magsasalita. Mainit akong tinitigan ni Leona.

"Tama ka, Ava. Umiinit ang aking palaso kapag kasama kita. Muling nanumbalik ang pagmamahal ni Angelo para sa 'yo."

Ano? Mahal ako ni Angelo?

"Narinig mo 'yon, Ava! Mahal ka na ulit ni Angelo!" masayang pagkasabi ni Ate Glenda.

Bakit gano'n, parang hindi ako natuwa? Bakit hindi ako masaya?

"Sino ang babaeng iyon?" seryosong tanong ni Leona.

Sinundan namin ni Ate Glenda ang paningin ni Leona. Hindi ko masyadong makita kaya lumapit ako at nagtago sa likod ng isang puno. Sumunod naman sa akin si Ate Glenda.

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon