Chapter 25: The Feeling

58 14 230
                                    

Angelo

"May problema ka ba, anak?"

Lumapit sa 'kin si mama at umupo sa katapat kong upuan sa hapag-kainan. Malalim na ang gabi nang mapatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding.

"Anak, lalo kang hindi makakatulog kapag umiinom ka ng kape."

Napatingin ako sa tasa na may lamang kalahating kape sa lamesa.

"Alam kong may mabigat kang nararamdaman, anak. Alam kong may mga bagay na rin na hindi n'yo na kayang sabihin sa akin. Habang lumalaki ang mga anak, nagkakaroon ng pader sa pagitan nila at ng mga magulang. May mga bagay na hindi n'yo na gustong ibahagi sa akin dahil sa hiya o sa iniisip n'yong hindi ko ito maiintindihan, pero anuman ang pinagdadaanan mo, anak, gusto kong sabihin sa 'yong tatagan mo ang loob mo. Alam kong maaga kang naghirap dahil namatay ang papa mo. Patawad, anak dahil mahina ako at hindi ko kinakayang buhayin kayong apat."

May nadudurog sa loob ng aking katawan sa tuwing nagkakaroon kami ng ganitong usapan ni Mama. Tama siya, may mga bagay na hindi na namin kayang sabihin sa kanya dahil lumalaki na kami.

"Mama, wala pong kaso sa 'kin kung magtrabaho ako. Bilang panganay ay nais ko pong makatulong. Masaya na ako kapag napagtapos po natin ang mga kapatid ko."

Napayuko ang kaniyang ulo. "Napakabuti mong anak, Angelo. Maraming salamat sa 'yo."

Tumahimik ang paligid namin.

"Mahal ko po si Ava, Mama."

Hindi nagulat si mama. Nakatingin lamang siya sa akin. Akala ko ay mahihiya ako pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang masabi ko 'yon sa kaniya.

"Alam ko, anak."

"Alam n'yo?"

"Anak kita kaya alam ko ang tungkol sa pagmamahal mo sa kanya. Hindi natatapos ang pagiging ina kapag nagdalaga o nagbinata na ang anak. Habang buhay mo akong magiging ina at habang buhay ay alam ko kung ano'ng nararamdaman mo."

Napabuntonghininga ako.

"Anak, may boyfriend na si Ava. Kailangan mo na siyang palayain sa puso mo. Kapag hindi mo siya pinalaya ay lalong bibigat ang dibdib mo hanggang sa isang araw ay sasabog ka na lang. Baka hindi mo na makilala ang sarili mo kapag gano'n ang nangyari. Kailangan mong magpakatatag, anak. Sa umpisa ay mahirap, ngunit pareho kayong makakalaya."

May luha sa aking mga mata. Ayaw kong umiyak dahil ang sabi ng ibang tao, hindi umiiyak ang mga lalaki, pero bakit gusto kong lumuha?

Hinawakan ni Mama ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga mata niyang puno ng pagmamahal.

"Kung mahal mo siya, anak, pakawalan mo na siya."

***

Levi

Gusto ko talaga ng sour cream flavor ng french fries. Cheese flavor naman ang gusto ni Ava. Nakatutuwa na hindi niya pinagpipilitan ang mga bagay na gusto niya sa 'kin at ganoon din ako sa kanya. Hindi siya mahilig sa couple goals.

I love the way she listens about my family. Nakikita ko ang kagustuhan niyang makilala sila.

She's honest about her feelings and she's able to hold a good conversation, but not about herself and other people. She hate rumors but she admitted that she became curious about me so she asked Philip about my life. Mas gusto niyang pag-usapan ang tungkol sa akin, ang tungkol sa Astronomy, sa mga librong nabasa niya at sa mga business. Mataas siyang mangarap and I can see that she's growing. She doesn't stop kung nasa'n man siya. Naniniwala siyang everyday is a humble beginning. She's appreciative sa mga kaya kong gawin. She also loves children dahil mahilig siyang magpa-cute sa mga nakikita niyang mga bata. She have a big heart dahil nagbibigay siya ng pagkain sa mga batang lansangan. She have her flaws and insecurities, but it's fine with me. I am not perfect either, but we both love each other.

AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon