Epilogue

6K 132 42
                                    

Nandito ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan na ninakaw mo.

Malaya.

Nakakalabas kung kailan ko gusto at nakakagawa ng anumang bagay na naisin ko.

Nandito ako ngayon para kausapin ka. Ikaw na tumalikod sa iyong tadhana.

Ikaw naman kasi e. Sinabi ko na sa iyo na hindi ka dapat nagmahal. Ang pagmamahal na iyan ang sisira sa iyo, ang papatay sa iyo.

Hindi ka dapat natutong umiyak. Hindi ka dapat nakonsensya.

Kaso hindi mo hinintay ang nakatakdang oras upang maramdaman mo ang kapangyarihan na ipagkakaloob sa iyo ng Ama ng kadiliman.

Masyado kang nagpaloko sa mga tao.

Masyado kang nagpadala sa walang kuwenta nilang pag-ibig.

Nasaan ka ngayon? Wala.

Hindi mo mararanasan ang pribelehiyong nararanasan ko ngayon.

Nakatakda ka upang maging masama. Nakatakda ka upang maglingkod sa ating hari at gumawa ng kasamaan. Pero tinalikuran mo iyon para sa walang kuwentang pagmamahal na 'yan.

Kailangan kong gawin iyon upang tumigil ka na sa kahibangan mo.

Kailangan kitang patayin dahil iyon ang nararapat.

Isa kang malaking hangal!

Hindi ka makakaligtas sa latigong apoy na naghihintay sa iyo diyan sa impyerno.

Pagsisisihan mo na hindi ka nakinig sa akin.

"Detective Alfred!"

Oh, tinatawag na ako ng kasama ko.

Maiwan na kita.

Magkita na lang tayo sa impyerno.

THE PLAYMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon