Dalawampu't siyam

6.6K 131 15
                                    

Tuluyan na nga akong ipinasok sa loob ng mga rehas na bakal. Hindi ko akalaing mangyayari sa akin ang bagay na ito. Paano ko maililigtas si Liza at ang mga taong mahal ko laban sa mga demonyong iyon kung nandito ako ngayon, nakakulong.

Patuloy pa din ang aking mga luha sa pagpatak. Kahit pa siguro makakuha ng magaling na abogado si Ate Faye ay malabo akong makalabas dito dahil apat na tao ang pinagpipilitan nilang pinatay ko. Hindi ko alam kung ano-ano ang mga ikakaso nila sa akin pero sigurado ako na mabigat ang magiging parusa noon.

Lumapit sa akin sina Ate Faye, Mama at Ate Shiela. Sumunod pala sila nina Ate Divine dito pero hindi nila ako pinuntahan, marahil ay para magsampa ng kaso laban sa akin. Hindi ko matanggap na pati si Ate Divine ay naniniwalang ako ang may sala. Sabagay, demonyo ang kalaban ko.

Umiiyak si Mama at Ate Faye habang hinahawakan ang aking mga kamay.

"Huwag na kayong umiyak. Magiging maayos din ang lahat, mapapatunayan ko na hindi ako ang gumawa nito," nakangiti kong paninigurado sa kanila.

"Alam namin. Naniniwala kami sa iyo. Alam ko kung gaano ka kabuting anak at kapatid. Alam ko na mabuti kang tao," maluha-luhang saad ni Ate Shiela. Buti pa siya, kahit hindi ko kadugo ay labis ang tiwala at pagmamahal sa akin.

"Thank you Ate Shiela. Kayo na po ni Ate ang bahala kay Mama," bilin ko sa kanila.

"Ate, hindi ako ang pumatay kay Max. Aaminin ko, sinundan kita noong pumunta ka sa kanila kanina. Sinubukan ko siyang iligtas pero nagising na lang ako, wala na siya."

"Tawagan mo si Isay, kaya niyang ipaliwanag sa inyo ang mga nangyayari." Desperado na ako, kailangan nilang malaman ang mga nangyayari para maintindihan at paniwalaan nila ako.

"Tsaka na natin isipin yan Migs. Naniniwala ako sa iyo, mahal na mahal ka ni Ate," lumuluha niyang tugon.

"Mahal na mahal ko din kayo. Alam kong imposible pero kapag sinabi na sa inyo ni Isay ang lahat, paniwalaan ninyo siya," hagulgol ko.

"Oo. Magpahinga ka na anak. Bukas na bukas ay ilalabas ka namin ditto," sabay hila ng aking ulo para mahalikan niya.

Nagpaalam na sila nang tuluyan habang ako naman ay hindi mapigilan ang mapahagulgol dahil sa aking sinapit. Nakita ko pa silang sumakay ng kotse na nasa harapan lang ng entrada ng presinto. Pero bago tuluyang umalis ay isang pangitain na naman ang bumulaga sa akin. Nakita si Ate Faye na binaba ang bintana ng sasakyan at iwinagayway pa ang kamay tanda ng pagpapaalam sa akin. Pero katulad nina Brenda at Max ay wala siyang ulo.

Hindi maaari ito. Hindi ang pamilya ko. Naubos na ang takot sa aking katawan.

Galit.

Yan ang nararamdaman ko laban sa mga demonyong iyon.

"Ate Faye! Ate Faye!" Nagsimula na akong magwala habang nasa loob ng kulungan. Pilit akong nagwawala at para akong timang na pinagkakasya ang sarili sa puwang ng rehas na bakal. Hindi ko hahayaan na pati si Ate Faye ay mamatay. Gagawa ako ng paraan para hindi sila magtagumpay.

"Pakawalan ninyo ako dito. Kailangan kong iligtas ang kapatid ko. Parang awa niyo na!" pagsusumamo ko ngunit hindi nila ako pinapansin. Habang ang karamihan sa kanila ay palihim na humahagikgik.

Siguro, iniisip nila na nababaliw na ako.

"Hoy! Ano bang problema mo? Anong oras na! Gusto mong mabanatan?" Biglang may sumigaw sa aking likuran. Paglingon ko ay nanlalaki ang mga mata ng isa sa mga lalaking nasa loob ng piitan na kinalalagyan ko. Nakahubad siya at puno ng tattoo ang mga braso at dibdib.

"Wala akong pakialam sa inyo! Hindi ninyo ako katulad! Wala akong ginagawang kasalanan!" singhal ko sa kanya.

Mas lalo itong nanggalaiti dahil sa sinabi kong iyon.

THE PLAYMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon