Special Chapter: The Whore

1.6K 26 24
                                    

Magdalena's POV

"Bakla! Pagsisisihan mo ito!"

Ang sakit n'on, a. Ang kapal ng mukha ng hayop na iyon para itulak ako. Siya na nga itong bibigyan ko ng libreng serbisyo, may gana pang tumanggi. Palay na ang lumalapit ayaw pang tukain? Bakla siya! Hayop! In fairness, malaki ang alaga ng poging 'yon, a. Damang-dama ko ang naghuhumindig niyang sawa kanina. Sayang naman, ang yummy niya. Kaunti na lang, e. Ramdam ko na tinatablan na siya dahil medyo tumitigas na.

Aray ko. Yung balakang ko. Hindi ako makatayo.

Wala pa nga akong kinikita ngayong gabi e, t*ngina. Ang hirap maging puta. Gasgas na 'yong ari mo, pati buong pagkatao. Tapos ngayon, pati binti ko may gasgas na dahil sa pagtulak sa akin ng lalaking iyon.

Punyeta siya. Huwag ko lang siyang makikitang muli, dudurugin ko ang itlog niya.

Bakit ba kasi ako napunta sa ganitong hanapbuhay? Bakit ba kasi nasadlak ako sa ganitong buhay?

'Yong pangako ko sa aking sarili na hindi ako magiging kagaya ng aking inang, kinain ko lahat. Heto ako ngayon, walang alam na ibang pagkakakitaan kung hindi ang ibenta ang sarili sa mga parokyano.

"Psst."

Sino iyon? Punyemas, nakakagulat naman.

"P*ta ka! Hindi ako aso kaya huwag mo akong sisitsitan!"

Siraulong bata ito. Muntik na akong atakihin sa puso. Bigla-bigla na lang sumusulpot.

Naramdaman ko ang pagtama ng isang matigas na bagay mula sa aking likuran. Nahilo ako at naramdaman ang pagbagsak ng aking katawan sa lupa.

Pagdilat ko ay nasa harapan ko na ang isang batang babae na sa tingin ko ay nasa pitong taong gulang. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha pero mukhang isa siya sa mga palaboy dito sa kalsadang ito.

Sinubukan kong tumayo pero nahihirapan talaga ako. Pinilit kong gumapang papunta sa pader kung saan ay maaari akong humawak upang makatayo.

"Ate, laro tayo."

Nagpapatawa ba itong batang 'to? Dis oras ng gabi, nagyayayang maglaro. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nagra-rugby, a. Mukhang malakas ang tama.

"Tse! Wala akong panahon makipaglaro sa iyo. Umuwi ka na, hindi mo ba alam na delikado rito tuwing gabi?"

Pero mukhang wala siyang naririnig sa lahat ng mga sinabi ko. Binato lang niya ako ng isang kahindikhindik na tingin.

Hindi ko maintindihan ngunit tinamaan ako bigla ng takot. Ibang klase kasi siya kung tumingin, nakakakilabot.

Nagmadali akong tumayo kahit na medyo hirap. Mas mabuti nang makaalis sa lugar na iyon kaysa mahawa pa ako sa kabaliwan ng batang kaharap ko.

Iika-ika kong nilagpasan ang batang nakatayo sa gitna ng madilim na eskinita. Nakahinga ako nang maluwag pero maya-maya lang ay nasa harapan ko na naman siya. Halos lumuwa ang aking mata dulot ng labis na pagtataka.

Paanong nangyari iyon, e hindi naman siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan?

Nilingon ko ang puwesto kung saan siya nakatayo kanina ngunit wala ngang bata roon.

"Saan ka pupunta? Hindi ko pa nga nasasabi kung anong klaseng laro ang gagawin natin."

Naaaninag ko ang nakakakilabot niyang mga mata na purong itim. Hindi ko alam kung panaginip lang ang lahat pero sana magising na ako. Kaunti na lang kasi, hihimatayin na ako. Promise. Echusera kasi 'tong bata, sisinghot-singhot ng rugby tapos ako ang iistorbohin. ang lakas ng trip sa buhay.

"Wala akong panahon sa iyong P*tang*na ka! Umalis ka sa harapan ko!" sigaw ko sa kaniya. Tinapangan ko na ang aking sarili. Baka kasi sa pamamagitan noon ay matakot siya at umuwi na.

Pero imbes na siya ang matakot, ako ang nanlambot ang tuhod. Bigla-bigla na lang siyang nagkaroon ng hawak na itak. Idagdag mo pa ang nakakaloko niyang ngiti.

"Alam ko na ang lalaruin natin. Mataya-taya. Ako ang taya. Bibigyan kita ng pagkakataon para tumakbo. Kapag naabutan kita... Patay ka," sambit niya sabay hagikgik.

Mukhang hindi lang rugby ang tinira ng isang 'to. Hindi ko alam kung high ba siya o nantitrip lang pero gusto ko biglang tumakbo. Tinablan ako ng takot.

Nagsimula na siyang maglakad. Nagsimula na rin akong tumakbo kahit nahihirapan.

"Nandiyan na ako..."

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Nakakakilabot kasi ang salita niya, maging ang pagkiskis ng itak sa semento. May hatid itong hilakbot sa buo kong pagkatao. Halos manikip ang dibdib ko sa sobrang takot.

Hingal na hingal akong lumingon sa aking likuran. Wala na siya. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko. Mukhang nantitrip lang talaga ang isang iyon.

Mayamaya pa ay laking gulat ko nang bigla siyang sumulpot sa harap ko. Paanong nangyari na nauna pa siya sa akin nang hindi ko namamalayan?

"Boo! Hinahanap mo ba ako?" tanong niya sa nakapanlolokong tono.

Tumakbo ako pabalik. Hinihingal na ako pero hindi ako puwedeng huminto.

Nakakita ako ng isang bukas na pintuan sa gilid ko. Naisip ko na pagkakataon ko na iyon upang makaligtas sa bata. Pumasok ako sa loob at isinara ko ang pinto. Pero laking gulat ko nang makita ang sarili na nakikipagtalik sa isang matandang lalaki. Halos masuka ako sa aking nakikita. Hindi ko masikmura. Hindi ko kinaya kaya't lumabas ako. Ngunit mistula akong namamaligno dahil imbes na sa labas ay sa isang kuwarto na naman ako napunta. At katulad ng unang kuwarto ay muli kong nakita ang pambababoy ko sa aking sarili. Sarap na sarap na nakapatong sa akin ang isang matabang construction worker.

Tumulo ang aking mga luha. Gan'on pala ang pakiramdam na makita ang sarili mong ginagamit ng ibang tao upang maging parausan. Masakit. Nakakahabag. Nakakadiri.

Hindi ko alam kung ito na ba 'yong sinasabi ng bata na patay raw ako kapag naabutan niya. Mas masahol pa kasi ang nakikita ko kaysa ang mamatay. Daig ko pa ang dinurog nang paulit-ulit.

"Masarap ba? Masaya ka bang makita ang sarili mo na kinababaliwan ng mga lalaking hayok sa laman?" Iyong bata ulit. Hawak pa rin niya ang itak habang papalapit sa akin.

"Tama na! Ayaw ko na!" Pilit kong binubuksan ang pinto na pinasukan ko ngunit hindi koi to mabuksan.

"Sino'ng nagsabi na puwede kang umayaw? Sa mundo ko, oras na paglaruan kita, wala kang takas!" Unti-unti niyang paglapit sa akin.

Nakatingin lang ako sa hawak niyang itak. Napalunok ako ng laway dahil wala na akong matatakbuhan.

"Oras na para kumatay ng isang puta!" Itinaas niya ang hawak na itak at iwinasiwas sa aking tiyan.

"Huwag!" Hindi ko naramdaman ang pagtama nito sa aking tiyan dahil sa bilis ng pangyayari. Nakita ko na lamang na tumutulo ang aking dugo kaya't napaluhod ako.

Tumingala ako. Nasilayan kong muli ang nakakikilabot niyang paraan ng pagngiti. Hinawakan ko ang aking tiyan dahil naramdaman ko ang paglabas ng dugo mula sa malaing hiwa nito.

Mayamaya pa ay bigla niyang isinaksak sa akin ang hawak na itak. Inikot-ikot niya ito sa loob ng aking tiyan. Napanganga na lamang ako sa tindi ng sakit na aking nararamdaman.

Tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa katotohanang oras na mawalan ako ng hininga, ay mawawalan na rin ako ng pagkakataon na magbago.

Nakaramdam ako ng pamamanhid hanggang sa bumagsak na nang tuluyan ang katawan ko sa sahig. Unti-unti na ring nanlalabo ang aking paningin. Sa huling pagkakataon ay muli kong nakita ang kanyang ngiti at sinabing, "Huwag kang mag-alala, mag-e-enjoy ka sa pupuntahan mo. Mas masarap maglaro ng apoy sa impyerno!"


THE PLAYMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon