Dalawampu't lima

7K 138 46
                                    

Max's P.O.V.

Nahihilo pa rin ako. Walang hiya kasi si Andrei eh. Niyaya pa akong gumimik, nalasing tuloy ako.

Teka, paano pala ako nakauwi? Hindi ko na matandaan dahil sa sobrang pagkalasing. Naku po. Si Faye, lagot ako. Kailangan ko siyang matawagan kaagad.

Hinagilap ko na kung saan-saan ang aking phone. Sa bulsa, sa ilalim ng unan, sa itaas ng T.V, wala talaga. Baka naiwan ko sa bar kagabi. Hindi naman puwedeng naisingit ko lang kung saang sulok ng bahay dahil wala naman akong masyadong gamit. Isang T.V, refrigerator at itong kutson lang ang laman nito.

Bakit pa kasi ako nagpademonyo sa mokong na iyon eh. Malamang nag-aalala na sa akin si Faye, or worst, galit na galit na siya sa akin. Talaga naman oh.

Bigla akong may narinig na mga katok. Napabalikwas ako dahil sa kaba.

Patay.

Malamang si Faye na 'to. Anong idadahilan ko?

Bahala na.

Dali-dali akong nagtungo sa pinto para pagbuksan kung sino man yung kumakatok. Hindi nga ako nagkamali, si Faye nga. Kaagad ko siyang pinapasok. Nagmamadali pa akong iligpit ang aking mga kalat.

"Mag-usap tayo," mahina niyang bungad sa akin. Dumiretso siya sa nakasarang bintana ng aking apartment.

Nataranta ako bigla.

Usap?

Bakit?

Makikipaghiwalay na ba siya sa akin?

Napansin ko na parang wala sa sarili si Faye. Masyado siyang stiff at hindi ngumingiti. Mas lalo akong kinakabahan sa ikinikilos niya.

"Tungkol saan?" nauutal kong tanong. Hindi ako kumportable sa mga nangyayari. Para bang anumang oras ay mawawala siya sa akin. Pero ang babaw naman kung dahil lang sa hindi ako nakapag-reply kagabi. Sobrang babaw na dahilan iyon. Sa matagal na panahon naming pagmamahalan ay malimit kaming nagtatalo.

Mabait si Faye, siya yung tipo ng babaeng gusto kong makasama habambuhay. Isang beses pa lang kami nag-away nang matindi, iyon yung araw na ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ulit kami mag-aaway pa.

"Buntis ako," matigas niyang tugon. Parang walang emosyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako dahil magkakaroon na ako ng anak sa babaeng mahal ko? O mangangamba dahil sa aking nakaraan na pilit akong hinihila papalayo sa kanya.

"Sigurado ka na ba? Nagpatingin ka na ba sa doktor?" iyon ang mga katagang hindi ko sinasadyang sambitin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"See? Alam ko naman na iyan ang magiging reaksyon mo. Kagabi pa lang. Hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko," garalgal niyang sumbat sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong kong iyon. Oo nga, bakit ba kasi iyon ang naging reaksyon ko.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya." Lalapitan ko sana siya pero bigla akong napatigil sa mga sumunod niyang sinabi.

"Itutuloy ko ito kahit wala ka sa tabi ko," mangiyak-ngiyak niyang sabi sa akin. Hindi ko mapigilang sabunutan ang sarili kong buhok.

"Hindi puwede yang sinasabi mo, anak ko rin iyan."

"Faye naman, pag-usapan natin ito please," pagmamakaawa ko sa kanya.

"Paano ang anak mo kay Eloisa? Paano ang pamilya mo? Paano ang asawa mo?" Tuluyan na siyang umiyak.

Hindi ako umiimik.

Walang salitang lumalabas sa aking bibig. Patuloy na umiikot ang isip ko dahil sa nangyayari.

THE PLAYMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon