Tatlumpu't walo

6K 134 23
                                    

"Liza!"

"Miguel!"

Sabay na sigaw ni Aling Norma at Divine. Lumuwa ang mata ng lahat nang makita ang sabay na pagbagsak nina Miguel at Liza sa gusaling iyon. Para bang bumagal ang oras para sa kanilang dalawa.

Nataranta ang mga guwardya. Hindi nila alam ang kanilang gagawin dahil imposible pang mabuhay ang kahit na sinong bumagsak doon.

"Anong nangyari? Sinong bumaril?" nanginginig na tanong ng isa sa mga guwardya.

Imposibleng galing sa isa sa kanila dahil walang putok ng baril silang narinig.

Nawalan ng malay si Aling Norma habang si Divine ay nakaluhod lang at tulala. Patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Si Marco naman ay hindi makapagsalita. Maging siya ay hindi alam ang gagawin sa nasaksihan. Para bang bumalik sa kanya ang nakaraan.

Ang araw na namatay ang kapatid na si Miko at si Miguel. Katulad ngayon ay nasaksihan din ng dalawa niyang mga mata ang pagkamatay nila noon. Wala din siyang nagawa kung hindi ang magalit sa sarili.

Naalala niya noong ibuwis ng kanyang Kuya Miko ang buhay nito para sa kanya. Nangyari iyon sa panaginip pero alam niya na totoong nangyari ang lahat ng iyon. Nakita rin niya noong tumalon sa bintana si Miguel labing tatlong taon na ang nakakaraan. Humihingi ito ng tulong sa kanya dahil labag sa kalooban ng kapatid ang pagtalon. Hindi niya magawang pigilan si Miguel dahil nakaharang si Carlo, ang demonyong umagaw sa katawan ng kanyang bunsong kapatid.

Walang naniwala sa kanya ni isa. Pinagbintangan siyang gumagawa lang ng kung ano-anong kuwento.

Patuloy ang pagbuhos ng mga luha habang inaalala ni Marco ang nangyari sa nakaraan.

Nakita na lang niya na nagsitakbuhan ang mga guwardya sa ibaba upang puntahan ang katawan nina Miguel at Liza. Umaasang maisasalba pa ang buhay ng mga ito.

***

Patuloy ang pagsalba ng mga doktor sa buhay nina Isay at Faye, ngunit sabay na nawala ang pagtibok ng kanilang puso.

Pero hindi sila sumuko at ginawan pa din nila ng paraan upang mabuhay ang dalawa.

"Clear!" pagmando ng mga doktor. Sabay nilang ginamitan ng aparato na kung tawagin ay defibrillator ang dalawa.

Maka-ilang ulit nila itong ginawa ngunit 'tila wala na silang pag-asa na mabuhay pa.

Sa huling pagkakataon ay sinubukan itong muli ng mga doktor. Laking tuwa nila dahil muling tumibok ang puso ni Isay.

Pero si Faye, ay hindi na nila naisalba pa.

"Time of death, 5:00 p.m." Ibinalot na ang buong katawan ni Faye ng puting tela.

"Dok! Anong nangyari?" salubong ni Dan sa kalalabas lang na doktor mula sa Emergency Room. Nakaabang ang lahat sa sasabihin nito.

"Sinubukan namin ang lahat upang parehas silang mailigtas but unfortunately, nabigo kami," malungkot na balita ng doktor.

"Anong ibig ninyong sabihin? Patay na ang kapatid ko?" Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

"No, miss. Your sister is under observation. Meaning, nalampasan niya ang kamatayan." Bigla itong tumingin sa direksyon ni Shiela. Lumapit siya sa doktor.

"But yung babaeng may dinadala na baby. Hindi na namin siya nailigtas."

"Condolence po misis." Wala nang ibang nagawa si Shiela kung hindi ang umiyak. Narinig din ito ng kanyang mga anak kaya't maging sila ay napaiyak sa nalaman.

THE PLAYMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon