Dalawampu

9.3K 166 71
                                    

"Lola!"

Narinig ko ang isang kilalang boses. Si Pong. Sobrang inaantok pa ako kaya hindi ako bumabangon. Naririnig ko sila pero tinatamad akong dumilat, baka kasi nananaginip lang ako.

"Mga apo ko!" Nagsalita si mama. "Namiss ko kayo mga apo. Namiss niyo ba si lola?"

"Opo. Miss na miss ko po kayo lola," sagot ni Pong.

"Ako po, hindi ko po kayo na-miss." Ang malditang si Xyrylle. Nakakatawa talaga ang mga hirit niya. Maldita pero alam mong inosente.

"Xyrylle!"

Nakaramdam ako ng kuryente sa katawan. Kilala ko ang boses ng lalaking sumigaw. Sigaw na may kasamang awtoridad. Hindi pa din siya nagbabago. Lahat ng nasa paligid niya ay takot sa kanya. Naalala ko tuloy noong bata ako, takot na takot ako sa kanya. Hindi ko alam pero noon pa man ay galit na siya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa din kami magkasundo. Ilang beses ko nang sinubukan na magpakumbaba at makipag-ayos pero mukhang malalim ang galit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganun. Basta ang sabi sa akin ni Ate Faye noon, nagsimulang magalit sa akin si Kuya Marco noong mamatay si Kuya Miko. Siguro masyado niyang dinamdam ang pagkawala ng aming kapatid.

Dahil doon ay idinilat ko na ang aking mga mata. Tiningnan ko ang orasan, alas-sais pa lang nang umaga. Nakita ko ang mga pamangkin kong sina Pong at Xyrylle na yakap ni mama.

"Kuya Marco! Ate Shiela! Nandiyan na pala kayo. Kamusta ang biyahe?" sigaw ni Ate Faye na noong mga oras na iyon ay katatapos lang maligo.

"Bakit napaaga ang pagluwas ninyo? Hindi ba dapat bukas pa?" tanong ni mama. Akala ko din bukas pa sila luluwas. Malamang nabalitaan na nila ang nangyari kaya't nandito sila ngayon.

"Ay, oo nga pala ma. Nalimutan kong sabihin sa inyo kagabi dahil siguro sa pagkataranta," sabat ni Ate Faye.

"Nabalitaan ko kasi ang nangyari kay Brenda kaya't nagdesisyon ako na bumiyahe kaagad. Faye, tumawag na ba si Bryan?" baling ni Kuya Marco kay ate.

"Ay, oo nga pala. Hindi ko nga makita ang phone ko eh. Hindi ko alam kung saan ko nailapag." Palinga-linga siya upang hanapin ang kanyang phone. Gusto ko sanang sabihin na naiwan niya sa lamesita pero sariwa pa yung tampo ko sa kanya. Sa paghahanap niya ng kanyang phone ay nadako ang kanyang tingin sa akin.

"Oh, Migs. Gising ka na pala. Good morning," nakangiti niyang bati sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Nakita ko yung hitsura niya, napakunot siya ng noo. Alam kong nag-aalala siya kung bakit hindi ko siya pinansin. Ayaw ko na sanang dagdagan yung mga problemang pinagdadaanan namin pero hindi ko maiwasang magtampo. Bahala siyang mag-isip kung bakit, nakakatampo talaga yung ginawa niya, nila, sa akin. Biruin mo, sila na pala noon pa. Nakakainis talaga, alam kong may mali ako dahil lantaran talaga ang pagsasabi kong ayaw ko kay Max. Pero wala naman akong sinabi na sundin niya ako. Kaya naiinis talaga ako nang sobra. Ngayon ay mas lalo ko pang inayawan ang lalaking iyon. Biruin mo, humaharap siya sa amin na kunwaring manliligaw, yun pala sila na.

Dahil nga alam na nilang gising ako ay dali-dali akong bumangon.

"Toto Migs!" sigaw ng dalawa kong pamangkin. Tumakbo sila papunta sa akin upang yumakap. Ngumiti lang ako at niyakap ko na sila. Miss na miss ko ang dalawa kong pamangkin. Medyo mag-iisang taon na din yata nang huli silang bumisita dito. Buti nga at naaalala pa din nila ako eh.

"Miss na miss ko na kayong mga makukulit kayo." Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanila.

"Miss ka na din po namin Toto Migs," nakangiting tugon ni Pong. Kaya mahal na mahal ko ang pamangkin kong ito eh, napaka-lambing.

"Ang baho naman ng hininga mo Toto Migs," sambit ng maldita kong pamangkin na siyang dahilan upang magtawanan ang lahat. Dahil doon ay bigla siyang lumayo sa akin. Salbahe talaga, pero mahal na mahal ko din yan.

THE PLAYMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon