"Kendall..."Nanlaki ang mga mata ko nang nakita siya, si Kendall nga ang nasa tapat ko! Sinuri ko ang lagay niya, at mukha siyang naghihirap sa pagsasalita.
Paano ba naman kasi basang-basa na ito sa ulan! Sira ulo talaga siya! Wala ba ito paki-alam sa sarili niya? Magkakasakit na naman tuloy ito! Bentang benta na siya dun!
Huminga ako ng malalim...
"Walang kwenta ka talaga Kendall! Ba't ka ba nandito? Umalis ka na nga!" nanlaki ang mata ko at tinakpan ko ito ng isang kamay ko. Ba't sinabi ko yun? Hindi naman yun ang gusto kung ilabas sa bibig ko ah?
Whats going on?!
Nagulat ito. "A-ayaw..m-mona ako..?" mahina niyang tanong at nakatingin ito sakin na may biglang mga sakit na nararamdaman sa mata...
Agad akong umiling ilang beses at nagsalita. "Oo ayaw ko na sayo! Magulo ka lang sa buhay ko kaya umalis ka na!! ulit akong tumigil. Hala?! Ano tong mga sinasabi ko??
"Umalis ka na kasi sa buhay ko!" What the?!
Anong nangyayari sakin? Ba't ibang salita ang lumalabas sa bibig ko? Hindi naman yun ang gusto kong isabi sa kanya ah?!
Yumuko ito at biglang tumalikod sakin...
Noo...Kendall..Hindi yun ang ibig kung sabihin! Hindi ko alam ang nangyayari sakin! Pakiramdam ko ba, parang may komo-control sakin at hindi ko ito mapipigilan!
"Mukhang ayaw mo na nga sakin..." Umiiyak si Kendall?!
Napakagat ito ng labi niya at tumanggo. "..Sige. Kung yun gusto mo, edi aalis na ako sa buhay mo..." Lalo akong kinakabahan sa sinabi niya. Seryoso ba to?! Seryoso ba siya? Gusto ko siyang tawagin pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Panaginip ba to'?!
Lalo akong kinakabahan nang ito'y naglakad na palayo.
Nakayuko lang siya habang tumatawid sa kalsada....Teka asan ba kasi kotse niya? Basang-basa pa naman ito ng ulan..Ang dilim pa!
"K..K-Kendall!!!" bumulis ang tibok ng puso ko nang narinig ko din ang boses nakin at tinawag ko nga pangalan niya..Sinubukan ko ulit tawagin siya..
"Kendall!!!" Sa wakas nalabas ko din ang gusto ko talaga isabi! Nang narinig niya, unti-unti siyang humarap sakin.
Bago kami magkatinginan,napansin kung may isang papalapit na silak ng masinag na ilaw ang tumatapat sa kanyang tinatayuan galing sa gilid nito...Tumingin ako dun at isang umaarangkadang truck ang paparating patungo sa direksyon ni Kendall...Bumilis tibok ng puso ko.
NOOO! Sinubukan kung lumapit sa kanya, pero naunahan na ako ng truck...At...
"WAAAAG!!!!"
"Sheit! Tigre girl! Gumising ka!"
Nang naramdaman ko may umalog sakin, agad akong bumangon at hingal ng hingal habang hinawakan ang dibdib ko. Jusko. Salamat at panaginip lang yun. Sabi ko sa sarili habang nakapikit.
Siguro habang ginagawa ko ang nakaka stress kung mga assignment, nakatulog ako sa ibabaw ng desk ko. Napabuntol hininga ako nang ito'y bumalik na din sa normal. Panaginip lang yun...Panaginip lang..Paulit-ulit kung sinasabi sa sarili ko para kumalma naman ang isip ko. Nakapikit padin ako.
Teka...Sino kaya ang umalog sakin..
Dont tell me...Mumu ang gumising sakin?! Multo ba!? Waa!! Mag-isa pa naman ako dito. Lord takot ako sa mumu. Huhu.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...