Chapter 34- Help from the boys

14.8K 461 45
                                    

STELLA

Pagkatapos agad ng school, dumeritso na kami ni Daniella sakay ang bonga niyang kotse patungo sa shop. Inimbitahan kami ng Huskies manoud ng laro nila pero si Daniella mas piniling tulungan ako sa shop kasi ngayon ang araw ng bayaran namin at kailangan madami ang kita. Oh diba? Siya na mabait!

"Sige Daniella lagay ko na gamit natin sa kusina" sabi ko at agad niya itong inabot sa akin.

"Ang linis at ang laki pala ng bake shop niyo" sabi niya while exploring her surroundings. Ngumiti ako sakanya, "Salamat, pero pati ang upahan nito malakas din sa bulsa" wika ko.

"Kaya nga andito ako diba ^_^"

"Oo nga. Salamat talaga Daniella, kelangan ko talaga ng tulong mo eh. " Wala na naman kasi dito si Thea, busy sa school, alaga sa hospital tsaka ang kabundok niyang side-jobs. Kawawa na nga siya eh, namiss ko narin kakulitan namin. Good thing binisita niya ako kagabi.

"Stella mukhang masarap to ah" sabi niya habang naka tingin sa display. "Gusto mo ba? Kuha ka lang" sabi ko habang nilalagay yung Open sign. "Loko! Bibilhin ko to noh"

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga customer namin, na halos lahat ay mga studyante, tricycle at jeepney driver. Kadalasan kasi pag oras ng dismissal mostly dito ang mga tao bumibili at nag aalmusal.

"Wow. Ang saya naman! Meron paba?" galak niyang sabi, grabi mayaman siya pero maayos ang asal niya sa mga simpleng tao. Nakipag biruan pa nga siya sa mga tricycle driver eh!

"Mukhang enjoy na enjoy ka talaga ah"

"Sobra! Sanay na kasi ako humarap sa mga customer eh. Tulad lang to sa ginawang training ng parents ko sa akin"

"Training?" ano kaya ibig sabihin nya.

"Yup. Pinapasanay na kasi ako nila sa mga ganitong business kasi eventually, I'll take over our family business" sabi niya habang kumakagat ng tinapay. "Wow swerte mo naman pala!" masigla kung sinabi, pero agad naman sumimangot ang mukha niya. Bakit kaya?

"Siguro. Pero mahirap kasi sometimes I have to give up my free time, take risks tsaka....Give up something important." mahina niyang sabi. Di ko gets? Well yung dalawa gets ko pero yung Give up something important...Ano naman kaya yun? Napa isip ako...

Di kaya?

"KYAAAA!!" napasigaw ako sa idea nanaisip ko, at nagulat naman siya sakin.

  "Oy bakit?" alala niyang tanong. Di ko alam kung bakit ito ang naiisip ko Haha.

"Give up your.....your.." dahan dahan kung sinabi at binigyan ko siya ng weird look,automatiko namang na gets niya ito.

"OMO! Stella err! No ang rumi mo! HAHAA!!" tumawa na lang siya sa harap ko sabay naka face palm. Haha Oo nga, parang walang connection naman yun ang naiisip ko sa sinabi niya sa akin. Bad Stella.

Habang ngayon tinawanan parin namin ni Daniella ito. Ilang segundo naman bumukas yung entrance. kala ko customer pero hindi ...

"Tsk. Ang unfair niyo naman kayo lang nagtatawanan, di man lang ako inimbita" napatingin kami sa kanya na naka cross arm at naka pout siya nung sinabi niy yun.

"YAAA! KIM UNNIE!!" Bati ni Daniella at agad siyang tumungo kay Kim at niyakap ito. Close na sila.

Pati ako lumapit na din kay Kim para I-welcome hehe. "Hello Kim!" nakangiting sabi ko, pero siya parang nagtatampo face. Ba't kaya siya naparito?

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon