STELLA
"Hello ma!" lumakad ako palapit kay mama at nag kiss ako.
"Wow bonga naman ng anak ko! Shopping - shopping ka pala ha! Sosyal na anak ko! Wohoo!"
Ang mga normal na nanay, tatanongin kung anong laman ng plastik, pagalitan dahil hapon na ako umuwi...pero mama ko? Di eh parang masaya pa!
"Ma naman eh! Teka ma asan si Thea?" tanong ko habang nilagay ko sa sahig ang dalang dala kong plastik. Napansin ko wala na naman siya. Parang parati na eh. Hindi ko na siya minsan ma text.
"Nag stop by siya kanina dito anak, may isa pa daw siyang trabaho pupuntahan kaya hindi siya ngayon makakapunta dito" sabi ni mama. Ganun naman pala. Naintindihan ko naman si Thea eh, kailangan niya talaga ng extra na pera ngayon. Nasa hospital pa naman ang lola nito.
"Ah okay. Sige na ma ako na dito. Magpahinga ka na " sabi ko habang hinahamas ang likod ni mama. Alam ko pagod na kasi ito eh.
" Sigurado ka anak? Kaya mo mag-isa dito?"
"Psh! Ako pa! Sige na mama kailangan niyo pa magpahinga. Dahil bawal masira ang beauty niyo diba?" Tutal wala naman akong homework na gagawin ngayon.
"Wag ka magalala anak matagal na ito sira" Mama talaga joker xD May kinuha si mama ng dalawang box "Anak ikaw na dito ah, e-dediliver ko pa kasi ito sa kumari ko! May birthday sa kanila kaya yun nag pa order ng mga cupcakes. Tsaka makakasingit na lang ako dun ng pang-umaga natin hehe"
"Mama naman eh"
"Hehe joke lang anak, sige na alis na ako bye anak! Love you!"
"Bye mama love you to po!"
*Tsup*
JACOB
"So I'll see you tomorrow babe?" sabi ng babae in a seductive voice. Tumango lang ako sakanya at kiniss ako sa cheeck sabay alis siya ng kotse ko.
Mag start na sana ako ng sasakyan ng biglang nag ring ang phone ko.
"Hello?"
[Hey man its Paul!] Ah si Paul lang pala.
"Oh? Musta"
[Ayos naman. Tsaka na asikaso ko na lahat dito, pwede mo na akong puntahan sa office] Sa sinabi ni Paul bigla naman ako sumigla pero medyo kinabahan.
"Sige. Ill be on my way" nag hang-up na ako at pinaharot na ang sasakyan.
Pag dating ko sa office ni Paul sa , nakaabang agad siya sa entrance. Si Paul pala ang kinuha kong investagator at nagtratrabaho din siya sa NSO. Pinaasikaso ko kasi sa kanya yung papeles ko at pinasuri ang tunay kong birth certificate at may isang tao na pinapahanap at pinapasuri din sa kanya.
"Ok, so dahil powerful ang last name mo, nagawa kong ipabilis ang proseso." Inabot niya sakin ang isang papel.
"Mareylin Rivera, Originally from Cavity. Was married to Raphael Fuentes. But here...It says that she is now married to business man in Saudi." Ulit, may inabot naman sa akin ng isang papel si Paul.
"Ano to?" tanong ko.
"Her business profile. Oil rig ang business nila ngayon. Lumat Abdul pangalan ng bago niyang husband, but shes still using her middle name, Rivera. So it was easy to tracked her."
Sa sinabi ni Paul nakaramdam ako kaagad ng pagasa na makita siya. Na iharap ang nakaraan niya, ang iniwan niya.
"So this is all I got from now, pero patuloy ko parin ipa investigate ang nangyari sa Dubai. But now I have to go to a meeting"
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...