STELLAPag mulat ko ng aking mga mata, tumumbad sa akin ang masinag na sikat ng araw mula sa bintana. Inangat ko ang ulo ko at napansin ang mga kalat na notepad, lapis at bukas na libro sa aking paligid. Napahinga ako ng malalim at humikab, tsaka pinatay ang naka andar na lamp sa gilid ko.
Dahil sa sobrang daming mga assignment at project, isama mo pa ang thesis na mayroon na ginawa kagabi, sa ibabaw ng lamesa na mismo pala ako natulog. Hindi man lang nakaabot sa kama.
Haaay. Buhay estudyante talaga.
Tinignan ko ang orasan at 6:23 AM na pala ! Kaya agad na akong tumigil sa pagmumui-muni at nagdamadaling tumayo tsaka niligpit ang mga gamit ko.
Pagkatapos kung magpalit at iayos ang aking sarili, lumabas na ako ng kwarto. Tadya ko tulog pa silang lahat. Paano ba naman kasi ang tahimik at buo pa ang bahay, nasa taas pa ang kisame. Mamaya akalain moy nasa palengke ka sa sobrang inggay naming apat, ganon naman talaga kapag umaga.
Sosoutin ko na sana ang iniforme ko, nang biglang tumilaok ang tiyan ko. Mamaya na siguro ako bumihis, kaya kumuha ako ng pera para bumili ng almusal para sa kanila nadin pag-gising.
Pagkuha ko ng wallet ko, napansin ko nasa tabi nito ang cellphone. Hmm, may bago kaya? Nagdesisyon akong i-unlock ito.
Ngayon ko lang naalala, wala na naman pala si Kendall ngayon sa school mamaya, dahil andun pa siya sa Cebu. Hays na pa pout tuloy ako.
I shook my head at bumalik ang tingin ko sa cellphone.
Napa simanggot na naman ako, kasi walang message padin ito galing sa kanya, mula pa nung isang araw tinanong ko siya kelan ito babalik , curious lang naman. Pero tignan mo wala pading sagot. Nag oover exagerrate na ba ako? Pero ika niya nga, talagang busy talaga daw siya dun, kaya na intindihan ko yun. Sino ba naman ako sa lugar magreklamo na hindi niya ako nirereplayan diba?
Di kaya naiinip na siya sa akin. Or iniiwasan na niya ako? Ewan ko ba, maliit na bagay naaapektuhan na ako, feeling ko na dedead-ma niya ako. Normal pa ba to? Huhu ano ba nangyayari sakin. Kelan pa ako na co-concerened sa kung tini-text niya ako kung hindi?
Mula nong inamin mong gusto mo din siya.
Yan ang sigaw ng bandang isip ko. Tila naman natamaan ang puso ko doon. Teka..Hmp! Makabalik na nga sa tiyan, nagugutom lang talaga ako.
Lumabas akong naka pajama at naka salamin lang, hindi na ako nag contact lense, pupunta lang naman ako ng conveneint store, di naman kailangan pagandahin ko ang sarili ko.
--
Habang palakad ako, may kung ano akong nararamdaman sa bandang likuran. Alam mo yung feeling na parang may sumusunod sayo? Yan kasi ang nafefeel ko. Ang weird... Dahil sa kaba ko, lalo kung binilisan ang paglakad at deritsong pumasok sa conveneint store.
Bumili ako ng kape tsaka ng corned beef para ialmusal namin.
Paglabas ko, may napansin akong isang kotse nakaparada sa harap mismo tapat ng convenient store. Maliit na nga ang daanan, naisipan pang dito mag parking. Abnoy ata ang driver.
"Haaays. Tama nga ako, ikaw nga yung kawawang panget na palaboy-laboy sa kalsada."
Nagulat ako sa isang pamilyar na boses galing sa likod ko. Hindi naman sa nag o-over acting.. Parang boses kasi ni Ken--
Naah! Imposible. Eh nasa Cebu yun ng isang linggo eh, limang araw palang siya dun.
Kinamot ko ang ulo ko, ano ba nangyayari sakin? Pati boses tuloy niya iniimagine ko na.

BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Roman pour Adolescents" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...