Chapter 66- You are my exception

11.6K 457 171
                                    



STELLA

[Hindi ka talaga pupunta mamaya?"]

" Oo kasi naman e. medyo sumakit ang pakiramdam ko"

[Hays ano bayan, ibig sabihin hindi ko maaenjoy ang night na ito]

" Ano ka ba! Sira, mag enjoy kayo ng kadate mo jan na si Kurt! Hahaha"

[Hays. Inis ako. Pero sige na. Hope you feel better bes, mag papaganda na ako]

" Have fun ah! Inggat kayo"

*TOOT*

Pagkatapos tumawag ni Daniella, bumalik na ako sa paghiga. Napakagat ako sa labi.

5:20 pm na.

6:30 pm ang start..

Sa daming bagay nangyayare sa buhay ko, hindi ko narealize naghahanda na pala ang school namin para sa event na yon. Lahat ng mga studyante excited at ang prom ang bukang bibig nila sa usapan. Iba talaga ang Shing-Wa high, prom nila sa  malapit sa december. Weird, pero yun na daw tradition nila. Kasi sa marso, grad ball naman ang tawag.

Ang totoo niyan hindi naman masakit pakiramdam ko, talagang wala akong gana pumunta sa senior prom ng school namin. Nalulungkot akong pumunta. Saka kung gustohin ko mang sumama, wala akong damit na maisout. Hindi na kasi ako nag aksaya ng oras para  humanda sa araw na ito..Bakit pa?

Kasi naman...

Inisip ko na si Kendall ang kasama ko, akala ko siya ang magaaya sakin. Akala ko siya ang magiging ka date ko sa gabing to. Pero hindi...Hindi na siya nagparamdam...Malamang dahil tinapos ko na ang meron kami! Hays. Nawalan na ako ng gana..

Siguro nga yung babae niya yung ka date niya! Tsak ako dun!

BV na naman ako. Sabi na wag ko yun isipin eh.

Tumigil ka na nga umasa Stella!

Ganon na lang love story namin ni Kendall? Tapos na ba?

" Anak! May bisita ka!"

"Anak!"

Napakunot noo ko. Agad ako napabalikwas sa kama at inayos ang sarili ko.

Bisita?

Sino naman yun?

Agad akong lumabas ng kwarto ko at nakita si....

Kysler??

Ano inagawa nito dito? Ngumiti ito sakin. Half smile nga lang.

Teka..Tinignan ko siya ulo hanggang paa at napa wow sa itchura niya.

Pogi ni Kysler! Naka tuxedo kasi siya na black! Tapos yung buhok niya ibang style naka pull-back, may hikaw pala ito sa tenga niya tapos basta ganda ng bihis niya. Gwapo niya.

Teka ba't siya nandito?

" Anak kaibigan mo ba to? Masyadong engleshiro eh, ikaw na kumausap."

"Si Kysler yan pa."

" Nice to meet you." sabi niya saka nakipag handshake sa kanya si papa, pagkatapos nun bumalik na ito sa kwarto niya.

"P-Pasok ka." bat kaya siya naparito.

Minasdan niya ang loob ng bahay namin. Oo na maliit na bahay ko tss. Yan siguro iniisip nito.

" Anong ginagawa mo dito?"

Tinignan niya ako. " Come to prom. " Di ko alam kung nagtatanong ba ito or inuutusan ako. Go to prom with him daw? Paano ba yan, wala akong gana pumunta dun.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon