Chapter 52 - Inbetween

12.3K 405 32
                                    

DANIELLA

"Tapos eto pa ah, ni hindi man lang ako hinatid pauwi! Ayon! Naglakad ako, dahil ang perang pamasahe ko sana binayad sa pagkain ng lalaking yun. Aish! Kainis talaga siya! Sarap kutusin!!"

Galit na sigaw ko habang paupo kami ni Stella sa cafeteria. Napakagat ako ng labi ko.

"Kumukulo na talaga ang dugo ko! Akalain mo yun?! Ganun ba ang matinong lalaki?!" tuwing naaalala ko talaga ang nangyari kagabi nasisira ang araw ko!

Pambira ba naman kasi, pina set up ako ng parents ko sa isang mayabang na heritero ng sharing partners ng company.

Syempre excited  naman ako, kasi kay tagal din nung hindi na ako nakakalabas. Pero malasin ba naman ako ng todo dahil ang lalaking yun daig pa ang hayop umasal!

Pinahintay ba naman ako ng tatlong oras?! Tsaka iniwan pagkatapos niyang gawing buffet ang lamesa! Hindi yun ang nakakahiyang PART.

Dalhin ba naman ang BABAE NITO?! nagmumukhang yaya tuloy ako sa dalawang yun.

Kung hindi lang siguro siya anak ng trader partners ng magulang ko, kagabi ko pa pinalitan ang mukha niya ng aso!

Nakakastress sa ganda ang lalaking Caleb na yun!!

Napatingin ako kay Stella na nakaupo lang. "Dapat ba ako maghigante?" kailangan talaga bumayad ang assungot na yun! Buti na lang nakuha ko phone number niya! Siningkit ko ng mga mata ko. "Pwede naman siguro diba? Sila ng babae niya?" Hello? May kinakausap pa ba ako? hmm.. hindi siya kumibo. Pinagmasdan ko siya.

Tulero. Yan siya ngayon. Nakatingin lang sa malayo. Para bang ilang segundo lalaglag na sa lalim ng iniisip.

Lumapit ako lalo sa kanya. "Uy..Stella..Nakikinig kaba sakin?" mukhang bumalik ang ispireto niya nung tinapik ko siya sa balikat.

Gulat niya akong tinignan.

"Huh?! Ah Oo..swerte mo naman.."Patango-tango niyang sabi. And i knew na binato niya lang ang salitang yun kahit di alam kung nasa topic ba ito.

Tinaasan ko siya ng kilay. Obviously parang hangin lang pala kausap ko kanina. Nagsayang pa ako ng laway.

Ano kaya problema nito..

"Care to share..?" i said in a playful voice. Mukha kasing may dinadaanan siya. And as her friend..I mean BEST FRIEND ^_^ , di ko siya papayagang lakarin yun magisa.

Inayos niya ang pagkaupo tsaka ginalaw-galaw ang pagkain sa harap. "W-wala naman akong problema.." she looked at me tsaka pumilit ngumiti.

I rolled my eyes, i dont buy it. " Liar. Wala daw problema pero halos durugin mo na yang pagkain mo." napatingin siya dun.

Hindi ko talaga maintindihan ng babaeng to. Kanina pa siyang tahimik at wala sa sarili niya. Nung first period, titig lang siya ng titig sa isang upuan at hindi nakikinig sa prof. Kanina naman, nakapagtatakang mali ang naisagot niya nung tinanong siya ng prof namin.

Bumangon ata siya at hindi dinala ang Stella'ng kilala ko.

"Alam mo kahit itanggi po pang wala kang problema, bakas naman sa itchura mo."

"Okay nga lang ako.."

"Aray!" napahawak siya sa ulo niya nang hinampas ko ito. Mahina lang naman. "Ba't mo ginawa yun?" gusto kung tumawa sa reaksyon niya pero baka masira lang ang serious mood ko.

"Para kasi bumalik ka sa planet Earth." huminga ako ng malalim at sinubo yung burger ko. "Ano b-ba k-kasi problema mo? Kanina ka p-pang ganyan." ewan ko ba kung naintindihan niya yun. Ngumunguya kasi ako.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon