STELLA" Anak, di ka pa natutulog?" lumingon ako at nakita ko si papa palapit sa akin. Umupo ito sa tabi ko.
" Hindi pa po kasi ako inaantok." sabi ko saka sumandal sa balikat niya. Alas onse na ng gabi pero ewan ko ba hindi pa ako dinadalaw ng antok.
" Okay ka lang ba anak?" huminga ako ng malalim. Napaisip ako sa kwestyon ni papa.
Nakalabas na din siya ng hospital dalawang araw nakalipas, dapat kampante na ako kasi babalik na sa normal ang buhay ko. Mabuti na ang lagay niya, masaya sila ni mama sa resulta at makaka pasok na ako sa school.
Malamang dahil sa nangyari sa amin ni Kendall isang linggo na makalipas, kung saan tinigil ko ang kung ano man meron sa aming dalawa.
Hindi na ako nagpakita sa kanya, at hindi narin ito nagparamdam sa akin.
Aaminin ko ang sakit.
" Lalim ata ng inisip mo anak ah." bumalik ako sa realidad.
Napa palakpak ako. " Wala pa, masaya lang ako at nakalabas ka na at andito ka na sa bahay." ngumiti ako sakanya pero parang hindi ito nakumbinsi.
" Ikaw pa, may sakit ka pa bang naramdaman? Kailangan mo ba ng gamot?" pang change topic ko.
" Lagi niyo na lang ako ng nanay mo tinatanong niyan. Syempre ako pa, malakas tatay niyo noh! Pogi pa." napatawa na lang ako sa sinabi ni papa.
Simula nakalabas siya ng hospital, bumalik ang lakas niya, para bang hindi ito tinamaan ng sakit, pero syempre patuloy padin kaming pagaalaga sa kanya at laging sinasabihan umiinom ito ng gamot niya at wag itago kung may nararamdamang sakit.
Sana naman wala ng mangyari pang masama sa kanya, lalo na sa pamilya namin.
" Anak, bilib talaga ako sayo. Hindi mo alam kung gaano kami nagpapasalamat nang mama mo sayo." kiniss niya ako sa noo.
"Syempre naman pa, para po sa inyo gagawin ko ang lahat."
Dahil sa tulong ng taohan nila Daniella, sila ang nagbantay sa shop,dahil nakahanap ako ng ilang part time job para makaipon ng pera.
Ilang beses nila akong i-suggest na umutang sa kanila ng pera or bigyan nila ako, pero mas ginusto ko kumayod ng sarili kung pera. Madami na silang naitulong para sa akin.
Syempre, napagod din ako, pero sulit ang lahat kasi natulungan ko si mama at papa, makita lang nakangiti sila, nawawala yung pagod ko.
Naglaba, nag luto, nag bantay ng bata lahat na nagawa ko sa loob ng isang linggo.
Sa tulong ni Ginno, pinatrabaho niya din akong assistant cook sa family restaurant nila pagkatapos ng mga klasse ko, tapos si Jacob naman tinulungan ako maging waitress sa sarili niyang bar, dahil siguro mayaman mga customer dun, ang laki ng tips at bayad nila!
As in, parang iisipin mo na lang na sobra na ito! Sinubukan ko ngang ibalik sa iba, pero ayaw nila, akin na lang daw kasi. Tatanggihan ko pa ba?
Ah tapos si Kysler naman, ano nga ba tulong sakin ni Kysler? Ah! Sinamahan ako pag bantay ng bata, pero actually natulog lang siya the whole time at ako ang nagalaga ng bata, di ko nga alam kung bakit sumama pa yun, bored daw kasi siya.
Pero yun din,yung ama ng batang inalagaan ko, ang laki din ng binayad sakin!
Dahil dun, nakaipon ako ng pera, pinagsama ang ipon sa shop at boom. Nakalabas din si papa ng hospital at nabili namin ang kinakailangan niyang mga gamot.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...