RICO"Sige. Bukas na bukas papasok na ako. Ge.Bye"
*TOOOT*
Binaba ko na kaagad ang cellphone ko para makapagbihis na. Pupunta kasi ako ngayon ng mall para bumili ng school supplies. Malamang mas doble pa ang gulat ng mga yun pag nalaman nila na bumalik na ako sa buhay nila. Dahan dahan ko sila ipatumba ng hindi nila na aabangan. Oras na siguro ng paghihiganti ko sa mga sakit na ginawa nila sa buhay ko.
Oo nga pala, Ako si Rico Agguilar. Matalik na kaibigan ng mga so called 'The Breakers' DATI yun ngayon wala na. Pagkatapos ng dalawang insedente na nag bago ng mga buhay namin, kaming lima ay nagkawatak-watak na. Yung una, yun yong namatay ang kapatid ni Kendall. ANO? kasalanan ko daw? Anak ng tokwa. Alam ko ba may truck na paparating sa amin?
Ilang beses ng ako humiling ng tawad sa dyos at kay Kendall, hindi ko rin naman ginusto ang nangyare at hindi yun ang intesyon ko.
Acidente ang nangyari, pero lahat sila tinanim sa mga kokoti nila na ako daw ang may puna. Dahil sa mga nangyari namatay ang tatay ko sa kulungan, ni hindi ako nakapag paalam sakanya.
Nung nalaman ng papa ni Kendall tungkol sa kanila ni mama, pinakulong niya ito. Walang ginawang masama ang tatay ko, masipag ito nag tratrabaho sa Shing-Wa building. Pero dahil sa selos at galit, pinagbintangan nila ang papa ko at napakulong.
Wala naman tong nagawa ang MAMA ko dahil wala siyang kwenta. Duwag siya at kailanman hindi niya kami pinaglaban.
Oo sabihin na natin na pinapadalhan niya kami ng pera nun, pero hindi iyon sapat.
Naging kaibigan kami ni Kendall dahil pinakilala siya samin ni mama, pero itong si mama hindi niya pinaalam na kapatid ko pala si Kendall.
Nung pagkatapos ng insedente, dun ko na nalaman.
Galit na galit ako sa kanya. Sa pamilya nila. Pinakulong nila ang tatay kung innocente. Hindi niya ako tinuring na pamilya. Pinutol ni mama lahat ng connection matapos ng accidente nayun, at sinabing isa daw akong pabigat at disappointment.
Tss.
Dadating ang panahon na ako naman ang magpaparusa sa kanila. At kung kelan yun? Hmp. MALAPIT NA MALAPIT NA.
"Insan!" TAKTE. Napahawak naman ako sa dibdib ko. To' kasi si Nathalie nag eepal sa moment ko.
"Insan! oh? Ba't na pa dito ka? Kamusta si Lola?" Nasa hospital kasi ang lola namin ngayon.
"Okay naman siya. Oo nga pala, okay na daw nakapasok na din siya sabi nina Rowen at Gen" Hays. Mabuti naman, akala ko kasi mamumukhaan nila ang tao na yun. Nung binugbug niya sa Alex.
"Mabuti naman. Basta sabihin mo lang sa kanya na bantayan niya ang mga kilos nila." tumanggo lang sakin si Nathalie "Ikaw naman, tuloy mo lang yan ang pakikipag kaibigan mo sa babae nayan dahil siya ang Alas natin"
"Matagal ko na ginagawa yun ah. Pero please lang insan wag niyo siya idamay sa mga plano niyo..."Tumango lang ako. Hays. Yan na naman si Nathalie. Siguro bawat araw sampung beses niya ito nire-remind sa akin. Sa totoo kasi hindi naman sana kasali si Nathalie dito pati ang babae nayon eh. Pero nung nakita ko gaano siya ka close sa mga yon. At tamang-tama na kaibigan nito ni Nathalie. Kaya napa isip ako na siya ang susi sa mga plano ko.
Pero. Hindi ko masisigurado kay Nathalie na magiging safe ang kaibigan niya sa plano ko. Pasensiyahan na lang kami mag insan pag nabitaw ko ang pangako ko sa kanya, dahil mas magiging kontento ako kapag parusahan ang mga tao malapit sa buhay nilang apat, lalo na si Kendall.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...