STELLA
Kakatapos lang namin mag almusal ngayon. Ang sarap nga ng ulam! busog ako ng sobra! Sarap magkuto nina Ginno at Jacob. Yung akala ko basketball, chicks lang trip nila, pati pala pag luto may talento din.
Andito ako naglalakad at nagmumuni mag isa sa dalampasigam. Habang ang iba naman nasa swimming pool. Nag hiking kami kanina, ang ganda nga ng view eh, nakita namin ang sunrise.
Sobrang nabighani talaga sa lugar na to. Nakaka good mood ang tanawin.
Kalmado ang simoy ng hangin at sarap pakinggan tunog ng agos ng dagat. Tinanaw ko ang paligid habang naglalakad ako, at maraming mga turista, pamilya at magkasintahan ang mga nagpapasyalan dito. Naglalaro sa buhangin, nakipag picturan.
Madami din ang mga bata diro, ang iba nga gumagawa pa ng sandcastle. Kung andito lang siguro mga gamit ko sa pagpipintura, sila sana ang ipapaint ko dun. Ang saya kasing tignan!
Napadaan ako dun sa mga bata na naglalaro ng water gun. Agad akong tumakbo at umiwas para hindi mabasa, pero nabasa padin ako haha! Epil fail naman mga ilag ko.
"Stella!" tanaw kong si Jacob tumatawag sakin galing sa malayo.
"Oy! Jacob bakit?" tumakbo agad ako palapit sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Oh? Basa ka? Daya mo nagligo ka magisa dun nuh?" umiling ako at tumawa sa kanya. "Hindi ah, napadaan ako sa mga batang naglalaro ng water gun at natamaan nila ako." tumango lang ito. "Bakit mo nga pala ako napatawag?"
"Hinahanap ka kasi nina Kim eh, gusto nila maligo ka din daw dun sa swimming pool." waa! Kaya nga naglakad ako magisa dito kasi iniiwasan kung isama nila ako mag swimming. Kasi ayoko ko talaga . Dalawang rason lang naman.
Una, di ako marunong lumangoy, mapapahiya lang ako. Pangalawa, wala akong swimsuit haha!
Napahawak ako sa leeg ko. "Ah..ano kasi wala akong pandamit para mag swimming."
"Di na bale, meron naman si Kim."
"Ah..baka di kasya, mataba kasi ako at sexy si Kim eh." napatawa na lang siya. Sige Stella irason mo na lahat. "Kung ganun, mag short at mag t-shirt ka nalang. "
" Huh?...k-kasi w--" hindi na niya ako pinatapos.
"Ano wala karing short at T-shirt?" napataas ang mga kilay niya. Sobrang taas, akala mong aabot na ito sa pluto eh. Huminga nalang ako ng malalim, anong magagawa ko? Ayoko ko naman maging KJ sa kanila. "Sige na nga."
Ginulo niya buhok ko. "Haha. papayag ka naman pala eh."
"Anong magagawa ko? Eh halos lahat ng palusot ko nabisto mo." sabay kaming tumawa. "Bestfriend kaya kita kaya alam ko na lahat mong gawa." psh oo na lang Jacob. Swerte ba ako O malas? Kasi malapit ako sa isang forever cassanova na lalaki? At mas bestfriend ko pa daw siya ha! Anyway, Pinauna ko na dun si Jacob sa kanila kasi kailangan ko pang bumalik ng kwarto at magbihis.
Pumasok na ako sa kwarto at tsaka kumuha ng bag at naghanap ng maisusuot ko at agad ding nilagay sa loob ng bag. Ano pa kaya kailangan ko? "May sunblock kaya si Kendall?" tutal wala naman siya, lumapit ako sa table niya.
*Eeek* Narinig kung bumukas ang pintuan, at pag tingin ko dun...
Hindi ako nakagalaw sa nakita ko. Para bang nag dikit ang mga paa ko sa sahig ng kwarto, at isama mo pa ang mga mata ko na halos malaglag na sa sobrang paglaki nito.
"Ba't andito ka pa? Hinahanap ka na ng iba." agad ako natauhan ng nagsalita ito. "Huh? Ah Oo! B-bababa na nga ako!" dali dali kung inalis ang tingin sa kanya. Feeling ko kasi, namula bigla pisngi ko.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...