Hindi kayo nananaginip guys! Nag update nadin ako! Im so sorry ngayon lang, ive been so busy with school and work!! Salamat sa mga patuloy nagsusuporta, I love my loyal readers! Kahit mga quiet readers nag iingay na dahil antagal ng update ko haha! Pero diz is it!! Enjoy and please comment and vote after ^_^
Disclaimer: Ang haba ng Chapter nato, kasing haba ng hintay niyo guys haha! Enjoy!!
CHAPTER 77 - BECAUSE OF YOU
" Bakit ba ang tigas ng ulo mo!"
" Eh sabi ayaw ko eh!"
" Masasapak na talaga kita!"
" Yaa! Pasyenste ako! You can't hurt me!"
" Inumin mo na ito!"
" Mamaya nga okay."
" Kendall!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa para kay Kendall. Kanina pa silang ganyan, daig pa nila ang aso't-pusa mag-away, silang magkapatid.
Napabuntol hininga ako at sinira yung zipper ng bag. Hay salamat, makalabas na kami dito.
Tumayo ako at binuhat ang bag.
" Ahh...Ilalabas ko lang to' para malagay na sa sasakyan." mahina kung sinabi.
Ilang segundo lumapit sakin si Ate Kailey bago irap kay Kendall. " Hindi, ibaba mo yan Stella mabigat mga yan. Tatawagin ko si Jesler na siya na gumawa nito." tumigil siya at sinamaan ng tingin ang kanyang kapatid kung saan tutok na tutok ito sa nilalaruang cellphone.
-.-
"Just stay here at sabihan mo yang boyfriend mong inumin ang gamot niya at umpo sa wheelchair pag labas, kundi pipilayin ko talaga siya! " mag susuper-sayan na ata si ate. Sabagay kasing tigas naman kasi ng diamonte yang ulo ni Kendall.
Isa sila sa pinakamayaman na pamilya, lahat nasa kanila na, lumaki na may estado sa buhay. Pero tulad ng mga ordinaryong magkapatid, nag aaway-bati din pala sila. Nagsisigawan na parang aso't-pusa.
Pero kahit ganon, hindi mo maitanggi na malakas talaga ang bond ng mag kakapatid kahit aso at pusa ito mag away.
Naalala ko tuloy ang reaksyon ni ate Kailey nung gumising si Kendall.
FLASHBACK
1 week ago..
" Ate!! Gising na si Kendall!!!" sigaw ko kaagad sakanya sa pagbalik nila ni Kysler. Tumigil siya sa harap ng pintuan at tila naging statwa. Parang malalaglag ang panga niya sa narinig.
Tumayo ako sa tabi ni Kysler para makapagusap ang dalawa. Alam ko kay sabik nang makita at makausap ni ate Kailey ang kanyang kapatid.
Hindi siya makapaniwala na gising na si Kendall pagkatapos ng isang buwan. Para itong nakakita ng multo.
" K-Kendall..." pautal-utal niyang sabi. " My brother! Thank you God! Thank you!"
Lumuha ang mga mata niya nung nag sink-in na sakanya ang realidad. Unti-unti siyang lumapit sa kanyang kapatid. Niyakap niya ito ng mahigpit habang umiiyak.
" I cant believe it! Thank the lord na gising !!" sigaw niya.
Ulit niyang tinignan si Kendall at minasdan ang mukha nito, hinawakan niya ang kanyang dalawang pisngi habang umiiyak.
Napakagat ako sa labi ko habang humahagolgol sa iyak dahil sa nakikita ko. Daig niya pa ang isang ina na natagpuan ang nawawalang anak.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...