STELLA" A-Alex?" Nag blink pa ako ng tatlong beses para makumpirma kung siya nga to.
Hindi ako makapaniwala!!!!
" Hi Stella" Isa lang ang nagmamay-ari ng maa-mong ngiti na yan..
Si Alex Padilla nga talaga ito! Kyaaah!!!
Lumiwanag ang expressyon ko. " ALEX!! Long time no see!" Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Kahit two months lang nawala ito sa Pilipinas, sobra ko siyang na miss!!
" Ehem." Oo nga pala, andito si Kendall! Baka anong isipin neto! Pero pasensya na haha! Na carried away lang ako, masaya lang talaga ako nandito na si Alex sa Pinas!!
Agad akong kumaliwas sa kanya at ngumiti, napasulyap ako kay kendall, naka poker face lang siya. Binaling ko ulit ang tingin ko kay alex. " Kelan ka pa bumalik?"
Napahawak siya sa batok niya. " Kagabi lang, medyo jetlag pa nga ako eh."
"Kagabi lang?" tumango siya.
Waa! Grabi naman ang lalaking to, kagabi lang pala umuwi, tapos pumasok na kaagad! Oo naka uniform siya!!
" Actually hindi lang ako." tumaas ang kilay ko.
Tumango siya sa deriksyon ni kendall. " Kasama ko rin yan. Siya yung sumundo sakin sa Paris." seryoso???
Sa Paris mismo?? Seryoso ba siya? Yun ba ang dahilan umalis ito nung isang araw?
Tinignan ko si Kendall. " Ikaw rin? Ba't di mo sinabi?"
" Surprise pa ba yun pag sinabi ko?" ay oo nga naman, sabagay, napakamot lang ito ng ulo niya habang nakatingin sa ibaba. "Kung ganon...Welcome back din sayo." binigyan ko siya ng malapad na ngiti at ng power hug!
Hindi man lang kasi sila nagpahinga, talagang pumasok kaagad sa school! Paris pa ha! Hindi basta-bastang lugar yun na ipagbyahe nila!
" Grabi to ang dalawa. Lalanggamin na yan mamaya." kumalas ako kay Kendall at nakita sina Jacob at Ginno. Lumalakad palapit samin.
Saglit lang tumigil ang dalawa sa kakatawa at nashock sila nung nakita nila si Alex sa harap namin. Nakaakbay si Kendall sa kanya at sinabing "Surprise."
Nakakatuwa kasi pati sila sinurprise din ni Kendall!
Pumalakpak si Ginno na tuwang-tuwa makita ulit kaibigan niya. " Yoo!Pareng Alex! Buhay ka pa! Miss you man!"
" Welcome back Pre! Pucha tagal mo nawala, namiss ka namin!" sabi naman ni Jacob habang inaakbayan niya ito.
Inalis ni Alex ang kamay niya" Bwesit, matagal ba akong umalis? Naging bakla na ata kayo," natatawa niyang sabi.
" Gagu! Dami mong alam!" tinulak ito ni Jacob ng mahina.
"Ulol! Dami natin pag uusapan! Kwento mo samin mga nangyari!" sulpot ni Ginno.
" Kelan ka pa naging chismoso?" nakapoker face na sabi ni Kendall at napatawa silang tatlo.
Ilang sandali, napatingin silang apat sakin at sumalpok ang mga kilay nila.
" Oh bakit best friend? Ganyan ka makatingin?" tanong ni Jacob.
" Na sta-starstruck ka pa rin ba sa kapogian namin?" Sambit ni Ginno.
" Pinagsasabi mo? Ako lang naman ang gwapo dito. Wag kayo mangarap." Proud na sinabi ni Kendall.
" Ulol!" sabay pa silang tatlo.

BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...