Chapter 64 - Family first

11K 359 116
                                    

STELLA

" Oh anak! Ano sabi ng doctor!" Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ni papa, sinalubong na kaagad ako ni mama.

Tinignan ko siya at talagang nakikita sa mata niya ang hindi mapakali na emosyon. Hinawakan ko ang kamay niya at nilapit siya sa kama ni papa.

" Ate...Bad news ba?"

" Ano anak? Tatagal na naman ba ako dito sa hospital?"

Ngumiti ako sa kanilang tatlo. " Pwede ka ng lumabas pa." Masigila kung sinabi at narinig ko naman ang buntol ng hininga ni mama. Sign of relief ba. Sa wakas, makakalabas na din si papa dahil sa tagumpay na operasyon. Salamat po lord.

Agad itong niyakap si papa at si Charles naman napatalon sa saya. Agad naman na wala ang ngiti ko sa susunod kung sasabihin.

" Kaso Pa,..Pwede lang tayo lumabas pag nabayaran na ang lahat." malungkot kung sinabi at tila natanggal din ang mga masasayang emosyon nila.

Napaupo si mama sa upuan, samantalang si papa naman bumalik sa paghiga. Kitang-kita ko ngayon ang pag-alala sa mga mata nila.

" Pero wag kayong mag-alala, ipagpatuloy kung pagtitinda sa shop natin, at mag hahanap din ako ng part-time job." masigla kung sabi.

" Anak, masyado ka ng madaming ginagawa, hindi ba ito naiisturbo sa pag-aaral mo?"

" Hindi ma.." hindi nga ba?

Dahil sa totoo, halos isang linggo na ako hindi pumasok sa eskwelahan. Mabuti na ang lagay ni papa, na operan na din ito at na tanggal na ang tumor sa katawan niya, masaya kami at hindi napunta sa kasamaang palad ang lagay niya. Benign ang tumour kaya hindi na ito naging pwerwesyo At nakuha naman lahat sa katawan niya sa tulong ng operasyon.

Kaso ang mga bayaran sa gamot, mga scans at Xray at sa pag stay sa hospital ang pino-problema naman ngayon.

Kaya ito, todo kayod ako sa shop habang si mama andito sa hospital kasama si Charles at papa.

"Uutang ulet ako sa kumare natin." Hindi ko pinatapos si mama.

"Ma wag na, hindi magandang ideya yan. Hahanap po ako ng paraan." Ayoko umatang si mama, mas lalo lang lalaki ang ang butas namin dahil sa interest.

"Ako na po bahala." Dagdag ko.

" Ayoko ng ganito...Imbes ako dapat nag tratrabaho, nagpapabigat pa ako." niyakap ko si papa.

" Wag mo sabihin yan pa, never ka naging pabigat. Gagawa ako ng paraan para maka-uwi ka na. Tayong apat."

Oo, aminin ko pagod na din ako sa araw-araw kung lakwatsa sa kalsada ka bebenta ng tinapay, o lakad ng lakad sa mga mall nagbibigay resume, pero hindi ako magrereklamo dahil magulang ko sila at mas higit pa mga sakripisyo nila para sa amin ni Charles.

Hahanap ako ng paraan para sa kanila.

_____________

Andito ako ngayon sa shop at inihanda ang mga tinapay na ibebenta. Kanina pa akong 3 am andito para  e-bake ang lahat.

Yung mga mata ko, siguro wagas na sa eyebags! Hehe.

*BRRRRT*

Yan na naman. Tumunog na naman ang cellphone ko.

Pinahiran ko ang kamay ko at tinignan kung sino nga itong nag text.

From: Daniella.

Besss! Asan ka na? Hindi ka na naman ba papasok? Namimis ka na namin dito!! Arg!

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon