STELLA
Andito ako ngayon sa shop magisang nagbabantay. Kababalik lang namin kagabi, ang sarap talaga ng ang feeling pag gumising ka sa sarili mong tahanan. Na miss ko tuloy sina papa at mama pati nadin kapatid ko. Ayun pag uwi ko, ang saya saya nilang makita ako.
Nga pala,mag-isa lang ako ngayon dito dahil hindi na ako nagpasama kay mama. Sa isang linggong bakasyon ko kasi, hindi na ako nakatulong sa kanila kaya ako naman muna ang magtratrabaho.
Dahil sa maaga pa, walang masyadong tao at si Daniella lang ang ka text ko. Pinaguusapan namin si Kim. Na sobrang miss ko na! Oo kahapon lang alis niya, pero naiiyak ako tuwing naalala ko mga problema niya. Hays.
Napatingin ako sa cellphone ko, nang nag vibrate ito.
From: Danie: [Waaa!!! Girl sigurado akong date na yan!!! ]
Napatapon ko bigla sa mesa ang cellphone ko nang nabasa ko yun. Kweninto ko kasi sakanya ang sinabi sakin ni Kendall sa airport, tapos sa tingin niya Date kaaagad ang meaning nun??
Ano naman kaya trip ng lalaking yun? Wala tuloy akong tulog kagabi kakaisip sa sinabi niya sakin.
Hihintayin ko ba siya? Sasama ba ako? Ano naman gagawin namin? Aish. Daming tanong.
Tinignan ko ang oras at 10 Am pa lang ng umaga, ibig sabihin madami pang oras para problemahin yun.
"Miss isa nga nito." natauhan ako nang may isang customer pumasok sa shop. Agad ko naman kinuha ang tinuro niya tsaka binigay sa kanya.
"Eto po."
"Salamat." ngumiti lang ako. Akala ko aalis na siya pero ulit itong nagsalita. "Miss hindi niyo ba napapansin ang lalaking yun?"
Ehh? Binigyan ko siya ng blank look. "Ang alin po?"
Tinuro niya yung labasan "May isang lalaki dun nagwawala at pinagsusuntok ang banner. Ah basta tignan mo na lang para makita mo." nairita niyang sabi tsaka nagmadaling lumabas.
Napakamot noo ako. May nagwawala daw sa labas? At sinusuntok ang banner? Agad kung tinanggal yung apron ko tsaka nagmadali ding lumabas. Nilock lo muna ang shop at nilabas yung "closed" sign.
Sino naman kayang mokong ma--
"TAENA!! Mahal mo ko tapos iiwan mo lang ako!?" Hala?!!
Tama nga ang babae! Pag labas ko, tumumbad kaagad sakin ang lalaking nagwawala sa harap ng isang banner namin.
Sino naman kayang lasinggong pinagtritripan ang shop namin sa ganitong oras?!
"Hoy lalaki pwede sa ibang lugar ka lang magwala at wag sa tapat namin!?" sigaw ko sa kanya. Pero di ito nakinig, sa halip niyakap-yakap pa ang poster.
Para na siyang baliw tuloy. Sino kaya to? Nakatalikod kasi siya.
"Bakit ba lagi na lang ganito!? Lagi na lang ako naiiwan! TANGINA! Minahal kita!" sinuntok-suntok niya bigla ang poster ni Kim. Pamilyar ang boses...
Lasing na talaga ang lalaking to.Pinagpapantasyahan pa si Kim na girlfriend niya. Napansin ko tuloy pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Jusko nakakahiya ang ginagawa niya at sa shop pa namin.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Hinarap ko siya sakin. "Manong pwede ba--" kusang lumaki ang mga mata ko nang tumumbad mukha niya sa harap ko.
Agad namam nag sink at luminaw sakin ang lahat kung bakit ganito siya at ang mga sinasabi niya sa harap ng poster, kung saan model si Kim.
"A-Alex..."Mahina kung sabi. Tumalikod ito at kinausap ulit ang poster.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...