STELLAKanina pa akong hindi mapakali kaya lumalakad-lakad ako ngayon sa hallway ng hospital habang nilalaruan ang mga daliri ko. Kanina pa din kami dito sa emergency room, mag dadalawang oras na, walang pahinga o kain.
Hindi padin lumalabas ang mga doctor. Lalo akong kinakabahan kung ano na ang nangyari sa papa ko. Sabi ni mama, bigla na lang daw siya nahimatay habang kumakain sila. Pero bakit? Wala naman siyang sakit ah..
Pilit kung sinasabi sa isip ko na magiging okay lang si papa, pero hindi ko maitatak sa sarili ko, dahil kanina pa kaming naghihintay dito. Si Charles andun pinatulog ko muna sa waiting room. Si mama naman, dahil sa iyak ng iyak naisipang doon lang daw siya sa chapel muna.
Lord, please naman sana wag niyo munang anhin si papa....Yung alam mo na....
"Stella, you should sit down for once. Youve been walking around for an hour." narinig kung sabi ni Kysler.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagsilip sa kwarto kung asan andon si papa. Bakit ba kasi ang tagal nila? Huhu. Nahimatay lang daw naman siya ah, bakit ang tagal niyang gumising?
"Stella..." tawag ulit niya. This time, parang nag-alala ang boses niya.
Ilang minuto, narinig ko ang footsteps niya palapit sakin.
"Stella.." hinila ako ni Kysler at napaupo ako sa upuan. "He's going to be fine okay?"
"Paano kung hindi?! Ha! Paano kung hindi!" biglaang sigaw ko at dahil don' hindi ko napigilang umiyak sa kaba at dalamhati. Napahinga siya ng malalim at tumabi sakin at pinatong ang ulo ko sa dibdib niya, imbes tumigil ako sa pag-iyak, doon pa bumuhos ang kanina ko pang pinipigilang ilabas.
" Kysler...Kanina pa sila sa loob....D-diba dapat okay na si papa ngayon?"
Tahimik lang siya habang nanginginig ang mga salita na nilalabas ko.
" He's going to be fine, I know I just met your dad today.........I know he's a strong man." diin niyang sinabi.
Parang kelan lang kinaiinisan ko si Kysler, hindi ko inakala na sa daming-daming tao mag cocomfort sa akin, siya pa itong kasama ko ngayon at ang taong nagpapatahan ng mga luha ko. Tadhana, nasa game-mode kaba ngayon?
"Kysler, mabuti pa siguro umuwi kana. Kanina ka pa dito eh." sabi ko sa kanya tsaka tumayo. Kung iisipin, madami nang tulong ang ginawa ni Kysler para sa akin ngayon, nahihiya na ako sa kanya. Dinrive niya kami papuntang sa laro nina Kendall, tapos siya na din ang naghatid sa akin, tapos ngayon sa hospital naman.
Akala ko talaga dati may sayad sa utak ang lalaking to, pero deep....deep inside may kabaitan din pala.
Huminga ito ng malalim at sumandal sa upuan. " No. Im gonna stay here ti'll I know your dad is okay." pampatigas niya.
" Pero pwede ko na-"
"Excuse me, kayo po ba ang family ni Mr. Gonzales?" isang babaeng nakauniforme ang lumapit sa amin.
"O-Opo! Anak niya po ako! Kamusta na po ang papa ko? Okay lang po ba siya? Gissing na po ba siya?" sunod-sunod kung tanong. Kinakabahan ako sa isasagot ng doctor. Kaya hinawakan ko ang dalawang kamay ko at pinipisil-pisil ito.
"Stable na ang lagay niya-" di ko pa pinatapos ang sasabihin niya, hearing stable na ang lagay ni papa, agad akong napahinga ng maluwag. Kailangan to malaman ni mama, sigurado ako masaya yun pag nalaman niya!!
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...